Iwasan ang Pagpapatuyo ng Damit sa Loob ng Bahay Ayon sa mga Eksperto Dahil Maaaring Magdulot ng Masama sa Kalusugan
Napakahirap nga naman talaga ang magpatuyo ng mga damit sa tuwing sumasapit ang tag-ulan. Kaya naman ginagawa ng karamihan ay isinasampay at pinatutuyo na lamang ang mga ito sa loob ng bahay. Subalit alam niyo ba ang gawain na ito ay hindi pala maganda para sa ating kalusugan?
Ano nga ba ang dahilan kung bakit hindi mabuti ang pagsampay ng damit sa loob ng bahay?
Ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa, napag-alaman na ang basang damit na pinatutuyo sa loob ng bahay ay tumataas ang lebel ng moisture sa bahay ng tatlumpong porsyento. Kung laging mayroong moisture ay mas tataas ang tyansang dumami ang fungi na tinatawag na "Aspergillus Fumigatus", isang microorganism o fungi na delikado dahil ito ang nagsasanhi minsan ng impeksyon sa ating baga.
Kaya naman ang mga doktor ay nagbigay ng babala sa mga tao na huwag masanay na magpatuyo ng mga damit sa loob ng bahay at nagsusuot ng hindi tuyong damit dahil posible itong magdulot ng seryesong problema sa ating kalusugan lalo na sa mga taong mahihina ang kanilang immune system o sa mga taong may hika na maaaring atakihin ng madalas at maapektuhan ang kanilang baga o lungs.
Ano ang dapat tandaan sa pagpapatuyo ng damit sa loob ng bahay?
1. Tandaan na importante na tuyong tuyo ang mga damit bago ito isuot upang maiwasan ang paglago ng mga bakterya. Siguraduhin na ibabad sa araw ang mga damit bago ito isuot.
2. Kung magsasampay ng basang damit sa loob ng bahay, ilayo ito sa inyong tulugan. Mainam na sa garahe na lamang ito isampay o sa inyong terrace.
3. Ang pag plantsa ng damit ay nakakatulong din upang mapuksa ang mga bakterya o fungi na kumakapit sa ating damit dahil sa init nito.
4. Tiyakin na kung walang sapat na espasyo sa inyong bahay ay dapat nasisinagan pa rin ng araw ang damit na isasampay.
Comments
Post a Comment