
Ang ating bansa ay mayaman sa tanim na mais. Kaya naman kahit anong buwan sa kalendaryo ay tiyak na makakakita ka ng nagtitinda ng mais sa palengke o sa mga sidewalk. Kadalasan, ang mais ay inilalaga lang upang makain ito o di kaya naman ay isinasama rin sa mga ulam tulad ng bulalo.
Bukod sa masarap at manamis-namis nitong lasa ay nagtataglay rin ito ng napakaraming benepisyo sa ating katawan. Kaya narito at alamin ninyo ang inyong nakukuha sa pagkain ng mais.
1. Mayaman ito sa fiber
Kung nakakaranas ka ng konstipasyon, subukang kumain ng mais dahil mayaman ito fiber. Ang isang mais ay nagtataglay ng moderate amount ng dietary fiber na kailangan ng ating katawan upang mapabilis ang paglalabas ng dumi. Nakakatulong rin ang pagkain ng mayaman sa fiber na pagkain upang mabilis kang mabusog na maaaring benepisyal kapag ikaw ay nagpapapayat.
2. Pang-iwas sa anemia
Ang mais ay mayroong taglay na iron na nakakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng anemia o iron deficiency sa katawan. Ang iron ay isang importanteng mineral na kailangan upang ang ating katawan ay magproduce ng bagong mga red blo0d cells.
3. Maganda para sa puso
Ang mga butil ng mais ay mayaman sa folate, isang B-vitamin na nakakatulong upang makaiwas sa pagkakaroon ng mga sak!t sa puso. Ang pagkain ng mga pagkain mataas sa folate ay nakakapagpabawas sa tiyansa na magdevelop ng mga heart related d!seases.
4. Kinokontrol ang mataas na presyon at dyabetis
Upang maiwasan ang pakakaroon ng dyabetis at mataas na presyon ay ang pagkakaroon ng healthy lifestyle at healthy food choices. At ang pagkain ng mga organic na prutas at gulay ay makakatulong rito. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkonsumo ng mais ay nakakatulong upang maiwasan ang hypertension at dyabetis.
Ang mga phytochemicals na taglay ng mais ay nakakatulong sa pagregulate ng absorption at pagrelease ng insulin sa katawan na siya rin namang mahalaga sa mga pasyenteng may dyabetis.
5. Mayaman sa antioxidants
Dahil sa mataas na free radicals sa ating kapaligiran ngayon, ay dapat nating malabanan ito at paglakasin ang ating katawan sa pamamagitan ng pagkain ng mga pagkaing mayaman sa antioxidants. Ang mga antioxidants na taglay ng mais ay nakakatulong upang ma-eliminate ang mga free radicals na maaaring magdulot ng k*nser sa ating katawan.
Comments
Post a Comment