Mayroon at mayroong punto sa ating buhay na makakaranas tayo ng konstipasyon o ang kahirapang mailabas ang ating dumi. At ito ay isang hindi napakakomportableng pakiramdam dahil ang pakiramdam mo ay napakabigat ng iyong katawan. Maaaring maraming dahilan kung bakit nararanasan natin ito, ngunit mayroon din namang agarang solusyon upang ito ay agad na maresolbahan.
Narito at alamin ang mga mabilis na solusyon para sa konstipasyon!
1. Uminom ng maraming tubig
Isang dahilan kung bakit nahihirapan tayong ilabas ang ating dumi ay dahil sa kakulangan ng tubig sa katawan. Kapag ang iyong katawan ay walang sapat na tubig, ang iyong dumi ay nagiging dry at matigas na siyang nagdudulot ng konstipasyon. Kaya tiyakin na nakakainom ng sapat na tubig araw-araw.
2. Kumain ng pagkaing mayaman sa fiber
Kapag nakakaranas ka na ng konstipasyon, tiyak na kulang ka rin sa pagkaing mayaman sa fiber. Ang fiber kasi ay nakakatulong upang mapalambot at mabilis na mailabas ng iyong katawan ang iyong dumi. Ang mga pagkaing mayaman sa fiber ay tulad ng mga green leafy vegetables, papaya, pinya, at sunflower seeds.
3. Kumain ng prunes o uminom ng prune juice
Ang prunes ay mayaman sa fiber, at bukod dito nagtataglay rin ito ng sorbitol, isang uri ng sugar na nakakapagpalambot ng dumi at pangiwas konstipasyon. Ngunit huwag lang sosobrahan ang pagkain nito dahil baka maging kabaligtaran ang maging epekto.
4. Kumain ng yogurt
Kumain ng yogurt na mayroong probiotics. Ito kasi ay nakakatulong sa tamang digestion ng pagkain at nakakapagpaiwas sa masak!t na paglabas ng iyong dumi na matigas at dry.
5. Uminom ng honey-lemon tea
Ang honey ay isang natural na laxative o pampadumi samantalang ang lemon ay isang natural na stimulant para sa digestive system na nakakatulong upang mapalabas ang toxins sa katawan. Gumawa nito sa pamamagitan ng paghalo ng kaunting honey at lemon sa maligamgam na tubig at saka inumin tuwing nakakaranas ng konstipasyon.
Comments
Post a Comment