Skip to main content

Limang Simpleng Solusyon Para sa Pagbibitak-bitak na Sakong sa Paa





Ang pangangapal ng sakong sa paa ay normal lamang dahil madalas tayong nakatayo at naglalakad ng napakalayo. Minsan ay nagda-dry rin ang mga ito dahil sa pagiba ng klima ng panahon o sa kakulangan sa moisture dahilan upang magkabitak-bitak ang balat sa paa na posibleng may kasama pang pananakit. Maraming nabibili na mga pamahid para rito tulad ng mga lotion, cream at iba’t-ibang moisturizer ngunit mayroon ring mga natural na paraan upang maremedyuhan ito na hindi kinakailangan gumastos masyado.

Subukan ang ilang natural remedies at solusyon na ito para sa nagbibitak na sakong ng paa:

1. Lemon

Madalas na gamitin ang lemon sa paa hindi lamang pampabango kundi pati na rin masolusyunan ang paa na dry dahil ang acid ng lemon ay makakapagtanggal ng de(a)d skin cells na siyang magreresulta sa mas malambot na balat. 


Paano ito gawin?

1.Pumili ng medyo may kalakihan na lemon at hatiin ito sa dalawa 
2. Pigain upang mawala ang karamihan sa katas ng mga ito (magtira ng kaunti) 
3. Ilapat ang isang kalahati nito sa isang sakong 
4. Magsuot ng medyas upang hindi matanggal ang lemon 
5. Gawin rin ito sa kabilang sakong 
6. Hayaang mababad ang mga paa ng 30 minutos 
7. Alisin ang medyas at itapon ang mga balat ng lemon 
8. Pahiran ng oil pagkatapos kung nais pwedeng coconut oil

2. Pagbabad sa maligagam na tubig

Ang nangangapal at tuyong balat sa sakong ang siyang nagbibitak kapag laging nadidiinan kaya naman mainam na maalis ito sa pamamagitan ng pagbabad sa maligamgam na tubig at marahang pagkuskos rito. Isang paalala na wag kuskusin ang balat kapag ito ay tuyo dahil mas makakapinsala lamang ito rito.


Direksyon: 

1. Ibabad ang mga paa sa maligamgam na tubig na may kaunting sabon sa loob ng 20 minutos 
2. Gumamit ng panghilod na bato, loofah o ano mang kagamitan na pangkuskos sa balat upang matanggal ang nangangapal na balat 
3. Tuyuin ang mga paa gamit ang tuwalya 
4. Pahiran ng cream o moisturizer ang mga paa 
5. Lagyan ng petroleum jelly upang mai-lock ang moisture 
6. Magsuot ng mga medyas para hindi madulas sa paglalakad

3. Honey

Ito ay may anti-bacterial at anti-microbial na katangian kaya maaari itong gamitin na foot scrub matapos ibabad ang mga paa o kaya ay foot mask sa gabi.

4. Coconut Oil

Ito ay may anti-inflammatory at anti-microbial na katangian kaya mainam itong magpagaling ng mga sakong lalo na kung ito ay may kasamang pananakit at pagsusugat.


5. Suka

Gaya ng lemon ay isa rin itong acid kaya maganda itong pantanggal sa mga dead skin cells upang lumabas ang natural na malambot na balat.

Isang paalala na huwag subukang gamutin ang mga nagbibitak na sakong sa sariling paraan kung ito ay sanhi ng mga medikal na kondisyon tulad ng pagdurugo o sobrang pagbabalat ng skin dahil ito ay maaaring mas makasama pa kaysa makatulong. Mas maigi na makipag-ugnayan sa iyong doktor upang masuri nila ang mga paa nang sa gayon ay mabigyan ng karampatang lunas.

Subalit kung simpleng pagbibitak lamang ito at dry skin, maaari mo na lamang gawin ang home remedies na naitala sa itaas para hindi ito tuluyang lumala. 

Comments

Popular posts from this blog

Huwag Mag-iiwan ng Water Bottle sa Loob ng Sasakyan Dahil Ito ang Delikadong Maaaring Mangyari

Ang sarap nga naman bumili ng bottled water lalo na kung ito ay malamig at kung tayo ay uhaw na uhaw na. Karamihan sa atin tuwing bumabyahe ay kadalasang may dala-dala tayong mga water bottle. At karaniwan din nating nakakalimutan o iniiwan ang mga ito sa loob ng ating sasakyan kung saan ito ay umiinit kapag nakatutok ang araw sa sasakyan. Hindi lang masama sa ating kalusugan ang pag-inom nito kapag naiwan ito sa loob ng sasakyan kundi ito rin pala ay delikado para sa ating mga kotse.
Ayon sa mga eksperto, ang pag-iwan ng water bottle sa loob ng sasakyan habang tirik na tirik ang araw ay maaaring magsanhi ng sunog dahil sa kemikal ng plastic bottle. Tulad nalang sa nangyaring insidente sa isang lalaki na ito.



Ayon sa lalaki habang nakaupo siya sa kaniyang sasakyan ay bigla na lamang niyang napansin na may umuusok mula sa harapang upuan. Sa paghahanap ng higit pang imbestigasyon ay napag-alaman na nanggagaling ito sa water bottle na nasisinagan ng araw at nagtamo ng dalawang butas sa kan…

Huwag Ninyong Ipagsabay ang Pagkain ng Instant Noodles at Softdrinks Dahil Ito ang Posibleng Mangyari sa Inyo!

Pamilyar ba kayo na kapag inilagay ninyo ang mentos candy sa isang bote ng coke ay nagkakaroon ng ito physical reaction kung saan ito ay maaaring magdulot ng eruption o ang pagsabog ng softdrinks sa loob ng bote nito?
Subalit alam niyo ba kung ano ang mangyayari kung kumain kayo ng instant noodles at uminom kayo ng softdrinks? 


Sa isang viral na kwento ng isang netizen na si Xiao Chao sa Hangzhou China, idinala ito sa emergency room matapos siyang kumain ng instant noodles at uminom ng softdrinks.
Ito ay nakaramdam ng pananakit ng kanyang tyan at pananakit ng kanyang balikat, bewang at likod. Sinubukan i-diagnose ng mga doktor ang kanyang kalagayan subalit hindi nila matukoy kung ano ang nagdulot nito. Binigyan ito ng mga gamot na pantanggal ng pananakit ng tyan subalit matapos ang ilang oras ay patuloy parin ang kanyang nararamdaman.


Sumailalim ito sa Abdominal xray upang malaman ng mga doktor ang sanhi ng kanyang abdominal pain. At ang kanilang nakita ay punong-puno ng gas ang loob ng k…

8 Na Paraan Kung Paano Mo Mapapasaya Ang Iyong Asawa (Misis)!

Ayon nga sa isang kasabihan, "A happy wife means a happy life." Maraming paraan kung paano mo mapapanatiling masaya ang iyong asawa. Ang pagiging isang mabuting asawa ay isa mga bagay na magpapatatag sa inyong relasyon.
Mayroong mga simple at maliliit na bagay na pwede mong gawin upang mapanatili mong masaya si misis! Narito at alamin ninyo!
1. Pagsabi ng "i love you" o "mahal kita" ng madalas
Ang simpleng pagsabi ng 'i love you' ay isa ng malaking bagay ng pagpapakita kung gaano mo siya kamahal. Kaya sabihin ito ng madalas at buong puso.

2. Respetuhin ang kanyang privacy at personal space
May mga oras na kinakailangan ng mga babae na magkaroon ng "me time" o ang pagkakaroon ng oras para lang sa kanyang sarili. Bigyan siyang oras na makapunta sa salon, magpa-manicure, magpa-spa o magkaroon ng oras para sa ibang bagay para siya ay makapag-relax. 
3. Tumulong sa mga gawaing bahay
Matagal ng nakasanayan na ang mga babae ang siyang gumagawa ng…