Ang okra ay isang halamang namumulaklak na kapamilya ng gumamela at puno ng bulak. Ang bunga nito ay kinikilala na sa medisina bilang masustansyang gulay na maaaring makatulong sa mga karamdaman lalo na sa diabetes. Mayaman ito sa potassium, Vitamin B at C, folic acid at calcium at isa ito sa mga pagkaing binansagang “superfood” dahil sa mga katangian nitong makabubuti sa kalusugan at posible rin itong panlaban sa k(a)nser.
- Mataas ito sa fiber- Ito ang tumutulong sa ating sikmura upang maging maayos ang takbo nang pagtunaw ng ating mga kinakain. Napipigilan nito ang maya’t-mayang paghahanap ng makakain at napapatagal nito ang pakiramdam nang pagkabusog kaya mainam ito sa mga taong may diabetes dahil dapat kontrolado ang dami at oras ng kanilang pagkain.
- Pangontra sa stress- Ang okra ay may mga anti-oxidants na tumutulong upang makaiwas ang tao sa stress. Importante ang maaayos na mentalidad dahil sa katagalan, maaaring magsanhi ito nang pagtaas ng blood sugar sa katawan.
- Nakakapagpababa ng kolesterol- Isa sa mga komplikasyon ng diabetes ay ang pagkakaroon ng s(a)kit sa puso kaya naman iniiwasan ang pagtaas ng lebel ng kolesterol upang maagapan ito. Pangontra sa labis na pagkahapo. Importante ang pagkakaroon ng aktibong pamumuhay upang makaiwas at malunasan ang diabetes. Kasabay ng tamang ehersisyo, pagkain at pati na ang okra, mas makakatagal ang katawan sa mga aktibidad at makakabawi agad ito mula sa pagkapagod.
Ito ang paraan nang paggamit ng Okra at paano ito dapat ikonsumo upang makuha ang benepisyo nito:
- Okra at tubig- Para ito sa mga taong hindi mahilig kumain ng okra. Ibababad lamang ang mga bunga nito sa tubig buong magdamag at inumin kinabukasan. Ang mga sustansyang nasa balat nito at buto ay hahalo sa tubig kaya naman ito ang pinakabago at epektibong paraan upang mabawasan ang mga sintomas ng diabetes.
- Balat ng okra- Ito ang trandisyonal na paraan nang paggamit nito sa medisina. Babalatan lamang ito gamit ang kudkuran at pwede na itong kainin o isama sa mga lutuin. Hindi nililimitahan ang dami nang pagkonsumo nito ngunit kalahating kutsarita lamang ay sapat na upang makatulong sa katawan
- Pinulbong buto ng okra- Ang mga buto nito ay pinapatuyo saka didikdikin upang maging pulbos. Pwede itong ihalo sa mga inumin, isama sa pagkain o kaya naman kainin nang diretso. Ito ang pinakamatrabahong paraan ngunit maaari rin naman itong mabili sa mga tindahan kung hindi nais gumawa ng sarili.
- Paghalo ng okra sa mga lutuin- Ang pinaka-pangkaraniwang paraan nang paggamit ng okra ay ang pagsasahog nito sa iba’t-ibang putahe. Maaari rin itong gawing atsara upang mawala ang mapait na lasa nito at mapalitan ng asim. Magandang paraan rin ito upang mapalambot ang balat nito. Pwede rin itong patuyuin upang maging malutong; lagyan lamang ng asin at pwede na itong ipalit sa sitsirya.
BABALA: Mahalagang tandaan na ang okra ay hindi pamalit sa insulin na siyang itinuturok sa mga taong may diabetes. Nangangailangan pa ng karagdagang pag-aaral upang mapatunayan na ito nga ay natural na panlunas sa karamdamang ito. Maiging ipaalam sa doktor ang alin mang pagbabago na balak gawin bago ito isagawa upang hindi malagay sa alanganin ang kalagayan.
Comments
Post a Comment