Ano nga ba ang Varicose Veins?
Ang Varicose Vein ay karaniwang nakikita ito na nakaumbok sa ilalim ng ating balat na para bang sinulid na maliliit na nagkukulay itim, violet o dark blue na talaga namang nakakaapekto ng pananakit sa ating binti at paa.
Mas marami sa mga kababaihan ang nakakaranas ng Varicose Vein kumpara sa mga kalalakihan dahil madalas mas aktibo ang mga babae sa pagtayo o paggalaw.
Ano ang mga sintomas na mayroon kayong namamagang Varicose Vein?
Ang mga sintomas nito ay makakaramdam ng pagkirot, pananakit ng binti at pamamaga ng bukong-bukong. Madalas din magkaroon ng Varicose ang mga buntis at ang mga taong mayroong sobrang timbang. Nangyayari ito sa tuwing ang valve sa ating ugat ay hindi gumagana ng maayos kung saan nahihirapan ang daluyan ng ating dugo na mag-flow ng mabuti.
Paano nga ba magagamot ang varicose veins? Ito ay sa pamamagitan ng:
-Pagbabago sa iyong lifestyle
-Compression
-Mud packs
-Gamot
-Surgery
Subalit makakatulong din ang ilang natural na paraan upang lumiit ang mga nakalitaw na Varicose vein at upang maibsan ang pananakit o pagkirot nito. Narito ang ilang bagay na pwede ninyong gawin upang maibsan ang kirot ng Varicose vein at tulayang mawala ito:
1. Masahe
Napakasarap magpamasahe lalo na kung ikaw ay pagod at gustong marelax ng iyong katawan. Ito rin ay isang magandang paraan upang madagdagan at gumanda ang sirkulasyon ng ating dugo. Impportante ang massage sa mga taong mayroong Varicose vein lalo na kung maghapong nakatayo sa trabaho. Ngunit tandaan din na sa mga taong nakakaranas ng varicose vein ay kailangan ng malumanay na pagmamasahe. Hindi rin dapat na direkta sa namamagang parte ang pagmamasahe lalo na kung walang gamit na langis upang maging madulas at maganda ito sa balat ay gumamit ng mga iba't ibang uri ng langis.
2. Mag-ehersisyo
Ang pag-ehersisyo ay lubos na napakaganda para sa ating kalusugan. Ito rin ay magandang paraan upang mapabuti ang daloy ng dugo at bumaba ang tiyansa ng pamamaga ng ating mga ugat sa paa. Kaya naman sa mga taong matagal na naka-upo sa maling postura o nakatayo dahil sa trabaho ay sila ang may mas mataas na tiyansang magkaroon ng varicose vein. Upang maiwasan ito ay tiyakin na mag-ehersisyo sa araw-araw. Ito ang mga ehersisyo na maaaring gawin.
- Paglalakad
- Pagtakbo
- Leg Lifts
- Pagbisikleta
- Lunges
- Rocking your feet
Importante din ang pag-stretching kahit 10 minuto lamang upang hindi mabigla ang ating mga ugat at mga muscle sa pag ehersisyo.
3. Panatilihing malusog ang timbang
Mas malaki ang posibilidad ng mga taong may mataas o sobra ang timbang na magkaroon ng varicose veins dahil nagbibigay ito ng mas mataas na presyon sa mga ugat na maaaring magdulot ng pamamaga o pangangati. Bukod rito mahirap na matukoy at magamot ang varicose sa mga taong sobra ang timbang dahil madalas itong hindi napapansin hanggang sa lumaki ito. Kaya naman upang matanggal ang pressure sa ating mga ugat, kailangan limitahan ang timbang upang hindi magkaroon ng mabigat na pressure sa ating ugat sa binti.
4. Pagpahid ng Oil sa Varicose Vein
Ang regular na pagpahid ng oil sa Varicose vein sa paa ay makakatulong upang mabawasan ang implamasyon at pananakit ng mga ugat na ito dahil sa soothing at calming effect nito sa balat. Ang pinaka karaniwang ginagamit na oil ay ang Lavender Oil na siyang ipinapahid sa lugar kung saan namamaga ang vein na ito.
5. Tamang diyeta
Ang wastong pagdiyeta at mga pagkain ay napakaganda para sa ating kalusugan. Nakatutulong rin ito na maiwasan ang mga uri ng karamdaman. Kaya naman ang pagpapabuti sa inyong diyeta ay makatutulong upang mabawasan ang presyon sa inyong ugat at mapalakas ito. Kumain lamang sa mga pagkain na mayayaman sa fibers at mga pagkain na naglalaman ng rutin na isang powerful antioxidant na nakakatulong mag produce ng collagen at vitamin C sa katawan.
Comments
Post a Comment