Ang gout ay ang isang klase ng kondisyon ng Arthritis na maaaring makaapekto kahit kanino. Nagdudulot ito ng matinding pananakit sa mga kasu-kasuan lalo na sa bandang paa at binti. Kaya importanteng malaman ang mga pangunahing nagsasanhi nito at ang mga dapat iwasan upang hindi magkaroon nito.
Ano ang sanhi ng Gout?
1. Sobrang pagkain ng mga sumusunod:
-Karne
-Mga lamang loob tulad ng atay o intestine
-Pagkaing-dagat tulad ng hipon, alimango, sardinas atbp.
-Mga pagkaing gawa sa gatas
2. Family History
Kung ang mga magulang ay mayroon nito, mayroong 20 na porsyentong posibilidad nang pagkakaroon nito.
3. Genetics
Ang mga Briton at mga Amerikanong itim ay mas malaking ang tyansang magkaroon nito kaysa sa mga ibang lahi.
4. Pagkakaroon ng Bisyo tulad ng paginom ng alak
5. Menopause
Tumataas ang lebel ng uric acid sa katawan ng mga babaeng umabot na sa ganitong punto ng kanilang buhay.
6. Mabigat na timbang
Sa mga taong nais umiwas sa gout o sa mga taong mayroon na nito na gustong makaiwas sa pag-atake nito, narito ang mga bagay na dapat iwasan:
-Iwasan ang pagkain ng mataas sa purines na siyang pinagmumulan ng uric acid. Mayaman rito ang iba’t-ibang pagkain na nagbibigay ng protina tulad ng mga karne, pagkaing-dagat atbp.
-Iwasan ang mga pagkaing sumailalim sa iba’t-ibang proseso tulad ng mga nasa lata
-Iwasan ang lamang loob tulad ng bato (kidney) at atay ng mga manok at baboy
-Bawasan ang pagkain at mga inumin na sobra sa tamis at asukal
Ang gout isa rin sa pangunahing kondisyon ng mga Pilipino dahil na rin sa madalas nating pagkain ng mga karne. Kaya naman mainam na sundin ang mga sumusunod na mga bawal kainin at gawin upang hindi magkaroon ng tyansang tumaas ang uric acid level na siyang sanhi ng pagkakaroon ng Gout.
Comments
Post a Comment