Napakaraniwan na sa atin ang halamang makahiya. Itinuturing itong damong ligaw dahil kahit saan man parte ng Pilipinas ay makikita mo ito. Ang kaniyang pangalan ay hango sa katangian nito na sa tuwing hinahawakan tumitiklop ang mga dahon. Tinatawag rin sa pangalan na "Sensitive plant" sa Ingles. Ang mga sanga ay pinalilibutan ng maliliit na tinik at may kulay rosas ang mga bulaklak.
Kung titignan ay parang ordinaryong halaman laman ito pero alam niyo ba na ang kabuoang halaman na ito ay lubos na may pakinabang pala para sa ating pangkalusugan?
Ang mga dahon ng makahiya ay maaaring gamitin upang gamot para sa ilang uri ng karamdaman kung saan makukuha mo ang benepisyo nito sa pamamagitan ng paglaga rito, paghalo sa inumin at pagdikdik ng dahon ito hanggang sa lumabas ang katas ng makahiya.
Bakit ito beneficial sa ating kalusugan?
Ang halamang makahiya ay nagtataglay ng mga compounds na makakatulong sa ilang karamdaman kagaya ng hemorrhoids, kidney stones, UTI, o mga implamasyon sa katawan.
Unti unti na itong nakikilala bilang medicinal plant na ginagamit ng ilang mga eksperto ilang mga karamdaman dahil nakitaan nila ang katas nito na may healing benefits.
Narito ang ilang mga karamdaman na maaaring gamitin na panggamot ang halamang makahiya:
1. Pananakit ng puson
Sa tuwing nalalapit o kaya dumating na ang buwanang dalaw ay talaga namang nakapasak(i)t ng puson ng mga babae kung saan nakakaranas sila ng menstrual cramps. Ang dahon ng makahiya ay puwede mong gamiting solusyon para dito sa pamamagitan ng pag-inom ng pinaglagaan na dahon ng makahiya. Makakatulong itong maibsan ang nararamdaman.
2. Hika
Panglunas sa kinakapos at nahihirapang huminga dahil sa pagkakaroon ng hika ang inilagang halaman ng makahiya.
Kung kayo ay mayroong hika, makakatulong ang pag inom ng katas ng makahiya upang maibsan ang sintomas nito. Makakatulong ito upang maginhawaan ang ating pakiramdam sa tuwing aatakihin ng hika.
3. Ubo
Madalas na maranasan ang ubo tuwing tag-init o kaya naman pagpaiba-iba ang panahon. Ang ubo na may makapit na plema ay matutulungang malunasan ng pag-inom sa nilagang dahon ng makahiya.
4. Sugat
Upang mabilis na maghilom ang inyong mga sugat ay gamitin na panggamot ang buto at dahon ng makahiya. Dikdikin lamang ang buto ng makahiya at ilagay ito sa inyong balat. Ang katas nito ay pareho lamang ang epekto kung ipapahid rin sa balat.
5. Pasa
Minsan dahil sa pagmamadali ay hindi maiwasan na nabubunggo ang katawan sa ibang bagay kaya ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng pasa. Kung gusto mong mawala kaagad ang maitim na kulay nito ay makatutulong ang dinikdik na dahon ng makahiya. Itapal lamang ang mga ito sa apektadong parte at iwan ito ng 15 na minuto. Pagkatapos ay hugasan ito at punasan ng malinis na towel.
6. Hirap sa pag-ihi
Mabisa ang paginom sa pinaglagaan ng ugat ng makahiya sa mga taong nahihirapan sa pag-ihi. Kaya naman kung nararanasan ito kumuha na kaagad ng halamang makahiya at ilaga ito upang maibsan na ang nararamdaman.
7. Almoranas
Napakasak(i)t ang magkaroon ng almunaras dahil sa pamamaga at pagsusugat nito sa ating tumbong. Subalit alam niyo din ba na ang paginom sa gatas na may pinulbos na dahon at ugat ng makahiya ay lubos na makatutulong sa inindang karamdaman? Makakatulong ito upang lumiit ang almoranas at tuluyang mawala ito.
8. Diabetes
Karaniwan na ang sak!t na diabetes. Hindi man malulunasan ang sakit na ito, makatutulong naman ang mga halamang herbal upang mabawasan ang sintomas at maiwasan ang iba pang maaaring epekto nito tulad ng pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng makahiya na sinasabi ng ilang eskperto na mayroong healing benefit.
9. Galis o mga rashes
Kung kayo ay mayroong nasusugat na balat o tinatawag na galis o rashes, ang dinikdik na makahiya ay maaaring ipahid sa balat ng ilang minuto at hugasan ito ng maligamgam na tubig pagkatapos upang makatulong makagaling sa mga galis sa balat.
10. Pagtatae
Ang paghalo sa inyong inumin ng halamang dahon ng makahiya ay makatutulong maibsan ang inyong nararanasan na pagtatae.
Ilang sanga po pag ilalaga pag may diabetis
ReplyDelete