Ang goiter ay isang kondisyon kung saan namamaga ang ating thyroid gland na kung saan minsan ay anhi ng hypothyroidism o hyperthyroidism, dahilan upang lumaki ang parte ng leeg kung saan ito nakapwesto.
Ang glandulang ito ay hugis paru-paro at nasa bandang ibaba ng ating Adam’s apple. Ang goiter ay karaniwang walang masakit na sintomas ngunit ang pangunahing sintomas ay nakakaranas ng problema sa paglunok, pagsasalita at paghinga ang mga taong apektado nito. Isa sa pinakamalimit na nagdudulot nito ay ang kakulangan sa iodine sa katawan.
Ano ang mga sintomas ng goiter?
• Panlalaki o pamamaga ng leeg
• Biglaang pagtaas o pagbagsak ng timbang
• Paninikip ng lalamunan
• Pagiging iritable
• Pagbabago sa boses
• Hirap sa paglunok
• Pag-uubo
Ito ang ilang herbal at home remedies na pwedeng gawin upang makaiwas sa Goiter;
1 Apple Cider Vinegar
Ang bahagyang pagiging acidic nito ay tumutulong magpahupa sa pamamaga ng thyroid at pati na sa pagtanggal ng mga lason sa ating katawan.
Ihalo lamang ang isang kutsarita nito sa isang baso ng maligamgam na tubig at dagdagan ng kalahating kutsarita ng honey upang may konting tamis ang lasa. Inumin ito kada umaga bago kumain ng almusal araw-araw.
2. Virgin Coconut Oil
Ito ay may katangian na pangontra sa pamamaga at mayaman ito sa lauric acid na kapag nakunsumo ay magiging monolaurin sa katawan. Ito ang tutulong sa ating metabolismo at sa mas maayos na absorption ng iodine sa ating katawan mula sa mga kinakain natin.
Kumuha ng isang kutsaritang virgin coconut oil at inumin ito tuwing umaga ng wala pang laman ang tyan.
3. Bawang
Ito ay maraming binibigay na benepisyo sa katawan at may taglay itong selenium, isang mineral na nakakatulong na mapanatili ang kalusugan ng thyroid.
Maaaring ihalo ito sa mga lutuin ngunit mas epektibo kung didikdikin lamang ito ng puro at lalagyan ng konting honey, pagkatapos ay nguyain. Pwede ring dagdagan ng katas ng lemon upang mas epektibo. Ikunsumo ito sa umaga araw-araw habang wala pang laman ang tiyan.
4. Malunggay
Ito ay natural na may taglay na pangontra sa implamasyon kaya mainam ito upang mabawasan ang laki ng goiter.
Maglaga ng mga dahon nito upang gawing tsaa at inumin isang beses kada umaga araw-araw.
5. Turmeric
Ito ay kilalang natural na panlunas sa maraming karamdaman. Mayaman ito sa anti-oxidants na nagpapatibay sa proteksyon ng ating katawan at nagpapahupa rin ito ng pamamaga ng thyroid.
Mag-init ng isang tasa ng tubig sa isang kaserola at haluan ito ng kalahating tasa ng turmeric. Kapag lumapot na ito matapos ang 5 hanggang 10 minuto, lagyan ito ng isa’t kalahati ng pamintang durog at 70 ml na olive oil. Ilagay ito sa lalagyan na may takip. Kumain ng isang kutsarita nito araw-araw.
6. Green Tea
Mataas ito sa fluoride na maiging pangontra sa goiter. Mayroon rin itong anti-oxidants at nakakapagbigay rin ito ng enerhiya sa ating katawan.
Inumin ito dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw upang malabanan ang kondisyong ito at iba pa.
7. Flax Seed
Gaya ng iba ay may katangian rin itong pangontra sa pamamaga kaya nakakabawas ito sa laki ng goiter.
Dikdikin ang 2-3 kutsarita nito at haluan ng kaunting tubig hanggang sa maging malapot na paste. Ilagay ito sa leeg na namamaga sa loob ng 20-25 minutos at saka banlawan ng tubig pagkatapos.
8. Sorrel Leaves
Mataas ito sa iodine kaya mainam ito lalo na sa mga nais umiwas sa goiter.
Dikdikin ang mga dahon at dagdagan ng tubig hanggang maging malapot na paste at saka ito ilapat sa leeg sa loob ng 25-30 minutos. Banlawan ito pagkatapos at ulitin ang prosesong ito araw-araw.
Comments
Post a Comment