
Mayroon pa ring mga tao na mas pinipili pa rin ang mga home remedies kumpara sa mga gam0t na nabibili sa mga botika dahil ito ay natural at walang halong mga kemikal. Sa katunayan, ang mga pagkain tulad ng prutas at gulay ay maaaring gawing home remedies basta't alam mo kung saan mo ito pag-gagamitan.
Katulad na lamang ng sibuyas na kung saan ito ay ginagamit dahil sa taglay nitong antioxidant na quercetin na nakakatulong upang maimprove ang kondisyon ng puso. Narito at alamin ang mga importanteng gamit ng sibuyas bilang isang home remedy.
1. Para sa sore throat
Kapag nakakaranas ka ng sore throat o makating lalamunan, makakatulong ang paginom ng pinaglagaan ng sibuyas o onion tea upang maibsan ang pangangati. Magpakulo lamang ng 1 tasang tubig at mga pinagbalatan ng sibuyas o onion peels. Bago inumin ay salain muna ang mga balat ng sibuyas.
2. Para sa ubo
Ang mga sibuyas ay may katangian na expectorant. Nakakatulong ito na mapaluwag ang plema at congestion sa dibdib at mabawasan ang madalas na pagubo. Maghiwa ng sibuyas sa maliliit na piraso at ilagay sa pan na mayroong isang kutsarang tubig. Kapag nag-evaporate na ang tubig ay palamigin ito ng kaunti bago ilikas sa isang bimpo at saka itali gamit ang isang rubber band. Ilagay ito sa dibdib sa loob ng 30 minuto.
3. Pangiwas sa pagkakalbo o pagkalagas ng buhok
Ang sibuyas ay mayroong antimicrobial properties na nakakatulong upang maiwasan ang balakubak at muling mapatubo ang buhok. Ang antioxidants na taglay nito ay nakakatulong upang mapigilan ang pagkalagas ng buhok.
Magpakulo ng tubig na mayroong sibuyas. Gamitin ang pinagkuluan bilang pangbanlaw ng buhok bago magshampoo.
4. Pantanggal ng kagat ng insekto
Maglagay ng piraso ng sibuyas o sariwang katas ng sibuyas sa kagat ng insekto sa iyong balat upang mabawasan ang pangangati. Mayroong kasi ito anti-inflammatory effects na nakakabawas sa implamasyon. Maaari ring ipahid ang onion juice sa balat upang hindi dapuan ng insekto.
5. Para sa sugat
Ang sibuyas ay maaaring gamiting antiseptic agent kapag ikaw ay mayroong sugat. Makakatulong ito upang mapahupa ang pagdurug0 at mayroong itong kakayahan na mapahilom ang sugat. Ang anti-microbial properties nito ay nakakatulong rin upang maiwasan ang imp*ksy0n.
Comments
Post a Comment