Ang KIMCHI ay isang pagkain na nagmula sa mga Koreans. Ito ay kanilang tradisyunal na side dish na pinagsama-samang mga napa cabbage, sibuyas, bawang, Korean radish, etc.
Dahil sa pagsikat ng Korean foods dito sa ating bansa ngayon, ay nagiging paborito na rin itong kainin ng mga Pinoy lalo na't kapag kakain ng samgyupsal. Ngunit ano nga ba ang benepisyong makukuha rito at kung bakit healthy itong kainin? Narito at alamin natin.
1. Nagpapababa ng kolesterol sa katawan
Ang bawang na isang sangkap ng kimchi ay nagtataglay ng allicin at selenium na parehong nakakatulong sa pagpapababa ng cholesterol reserves sa katawan. Ang mga ito ay nakakatulong rin upang mabawasan ang tyansa sa stroke at iba pang mga sak!t sa puso. Kaya naman kapag mataas ang iyong presyon o mataas ang iyong kolesterol, kumain na ng kimchi.
2. Nagpapaganda ng kutis at buhok
Kung nagtataka kayo kung bakit napakaganda ng kutis ng mga Koreans, iyon ay dahil sa kanilang kinakain. Ang kimchi dahil gawa ito sa gulay, nakakatulong ito sa pagpapaganda ng kutis. Ang bawang sa kimchi ay nakakapagpabagal sa pagtanda ng balat.
3. Pinapabagal ang pagtanda o aging process
Hindi ba kayo nagtataka kung bakit karamihan sa mga Koreans ay mukha pa ring bata? Ito ay dahil sa kinakain nilang kimchi. Ang kimchi matapos ang fermentation process ay mayaman sa anti-oxidants na nakakatulong sa pagpapabagal sa pagtanda ng balat. Iniiwasan rin nito ang cell oxidation upang mas mag-mukhang less stress sa katawan.
4. Nakakapagpababa ng timbang
Mapapansin rin na ang mga Koreans ay slim at mapapayat. Ito ay dahil ang kimchi ay kakaunti lamang ang calories. Ang capsaicin na matatagpuan sa chili na ginamit sa pampa-anghang sa kimchi ay nakakapagpabilis ng metabolismo. Nakakatulong rin ito sa carbohydrate metabolism na nakakapagpabawas ng timbang.
5. Nagtataglay ng healthy bacteria na maganda para sa buong katawan
Ang kimchi ay fermented katulad ng yogurt. Ang mga pagkaing ito ay nagtataglay ng mga healthy bacteria na tinatawag na lactobacilli na nakakatulong sa digestion process. Ito rin ay nagtataglay ng mga probiotics na nakakatulong malabanan ang mga impeksy0n sa katawan.
Comments
Post a Comment