5 Rason Kung Bakit Dapat Bawasan Ng Mga Magulang Ang Paggamit Ng Cellphone Kapag Kasama Ang Kanilang Anak
Sa dami ng nao-offer sa atin ngayon ng internet at social media, hindi naman nakakapagtaka kung bakit maraming tao ang nahu-hooked sa paggamit ng kani-kanilang mga smartphones at gadgets. Ngunit kahit gaano man ito ka-convenient, mayroong mga bagay-bagay na minsan ay napapabayaan dahil lang sa labis na paggamit ng mga teknolohiyang ito.
Hindi maiiwasan na mapa-bata o matanda, anak o magulang ay minsan ay nasosobrahan na rin sa paggamit ng cellphone. Narito ang mga rason kung bakit dapat bawasan ng mga magulang ang paggamit ng kanilang mga cellphone kapag kasama nila ang kanilang mga anak.
1. Maaaring magkaproblema ang iyong anak sa social development
Ang mga bata na hindi nabibigyan ng tamang atensyon ay maaaring maging moody, walang pakialam, at maaari ring makaapekto sa kanilang utak. Ang mga bata ay kailangan ng pagmamahal at atensyon upang lumaki sila ng tama.
2. Nasasaktan ang damdamin ng mga bata
Kapag ang atensyon ng isang magulang ay palaging nasa kanyang cellphone. Kailangan pa ng anak na makipag-kompitensya para mabigyan siya ng atensyon. Nararamdaman ng mga bata na maaaring hindi sila importante at maaari itong makasakit sa kanilang damdamin.
3. Maaari silang maging passive at hindi malapit sayo
Bilang isang magulang, ang nais lang natin ay maging malapit sa ating mga anak. Dapat tayo ang gumagawa ng daan upang mas maging close sila sa atin. Kailangan na mayroong matatag na emotional bond sa pagitan ng magulang at anak upang kapag lumaki na sila ay hindi sila magiging passive at tila walang pakialam.
4. Nawawalan ng oras para makipag-interact
Kapag ang isang tao ay tutok lang sa kanyang cellphone, nawawalan siya ng pisikal na interaction sa mga taong nakapaligid sa kanya. At kapag ang isang bata ay nasanay sa ganitong senaryo na kung saan hindi siya marunong makisalamuha sa iba, maaari siyang magkaroon ng problema sa emotional connection sa tao.
5. Maaaring sila ay mapabayaan
Ang mga bata lalo na ang mga sanggol at toddlers ay kailangang nakatutok ka palagi sa kanila dahil kaunting galaw lang nila ay maaaring makasama sa kanila. Marami ng mga senaryo na kung saan maraming bata ang napabayaan at napahamak dahil sa kapabayaan ng magulang dahil sa labis na paggamit ng kanilang mga cellphone. Kaya naman dapat na itong magsilbing warning sa mga magulang.
Comments
Post a Comment