Maliban sa genetics, habang tayo ay tumatanda natural na, na ang ating memorya ay humihina. Minsan kahit hindi pa naman ganoon katanda ang isang tao ay nagiging makakalimutin na ito. Bago pa man mahuli ang lahat, narito ang mga natural na paraan para ma-improve at mapatalas ang iyong isipan at memorya.
1. Magkaroon ng sapat na tulog gabi-gabi
Hindi lamang ang ating katawan ang nare-refresh kapag tayo ay natutulog. Sa katunayan, ang ating utak ay nagre-replenish din kapag tayo ay nagtutulog. At ang kailangang oras ng tulog ng isang bata at nasa 10 hours per day, samantalang ang isang adult naman ay dapat 7-9 hours per day.
Kaya naman kapag ikaw ay palaging kulang sa tulog, tiyak na ang iyong memorya at focus ay humihina rin.
2. Bawasan ang pagkonsumo ng asukal
Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkonsumo ng matamis o maasukal na pagkain/ inumin ay nakakabawas sa brain volume na maaaring mauwi sa mga kondisyon tulad ng short term memory loss.
3. Magdagdag ng fish oil sa iyong diyeta
Ang fish oil ay nagtataglay ng omega-3 fatty acids na nakakatulong upang mapabagal ang mental decline. Nakakatulong rin ito upang mabawasan ang nararanasang stress ng utak at katawan.
4. Mag-meditate
Ang sak!t at stress ay nakakapagdulot ng pagkaubos ng brain cells. Upang maiwasan ito, ang meditation ay nakakatulong upang maimprove ang memorya at maboost ang pag-iisip.
5. Magsagawa ng mga brain exercises
Ang pagsagot ng mga crossword puzzles, word-recall games, board games, etc. ay nakakatulong upang ma-exercise ang utak at mapatalas ang isipan. Kaya sa mga bata, importante ang child's play upang ma-enhance ang kanilang pag-iisip at imahinasyon.
6. Matuto ng bagong skill o gawain
Ang pag-aaral ng bagong skill o gawain ay nakakatulong rin upang ma-improve ang iyong memorya at isipan. Dahil sa paraang ito, ginagamit mo ang iyong utak upang makapag-isip.
Comments
Post a Comment