Minsan nasasalamin sa ating balat kung gaano nakatanda ang isang tao. Pero dahil sa dami ng mga procedures ngayon na maaaring gawin ay napepreserba nila ang pagiging bata ng balat. Ngunit may kamahalan lang ang mga ganito lalo na pa't kailangan itong isagawa ng isang propesyonal na doktor.
Subalit, mayroong mga pagkain na masarap na at mura pa na makakatulong naman upang mapreserba ang pagiging youthful at glowing ng iyong balat.
1. Kimchi
Nagtataka ba kayo kung bakit ang mga Koreans ay mayroong napakagandang balat? Iyan ay dahil sa kinakain nila katulad ng kimchi. Ang kimchi ay isang fermented food na nagtataglay ng probiotics, isang mabuting bakterya na nakakabalanse ng bad bacteria sa ating sistema. Nagtataglay ito ng anti-aging lactic acid na nakakapagpa-glow sa balat.
2. Olive Oil
Ang olive oil ay isa sa mga benepisyal na oil para sa katawan. Ito rin ay maganda sa balat. Nagtagalay ito ng omega 3 fatty acids na nakakapagpanatili sa pagiging malambot at moisturized ang balat. Pinoprotektahan rin nito ang katawan laban sa oxidative damage at nilalabanan ang implamasyon.
3. Kamatis
Ang kamatis ay isang magandang mapagkukunan ng Vitamin C. Mayroon din itong taglay na antioxidants na nagpoprotekta sa balat laban sa damage na dulot ng araw.
4. Spinach
Ang mga gulay na maberde ang kulay tulad ng spinach ay nagtataglay ng napakaraming bitamina tulad ng vitamin A, C, at E na mainam sa balat. Nakakatulong itong maprotektahan ang balat laban sa oxidative damage. Kapag pinagsama-sama ang mga ito ay benepisyal ito sa pagpapanatiling moisturized, malambot at wrinkle-free ang iyong balat.
5. Orange
Ang orange na siksik sa vitamin C ay nakakatulong upang maiwasan ang pag-sag at maagang pagkulubot ng balat. Nakakatulong rin ang taglay nitong antioxidants para sa collagen production na kailangan ng balat para manatili itong firm at smooth.
6. Green tea
Ang green tea ay hindi nakakatulong sa pagpapapayat kundi isa rin itong anti-aging food. Naglalaman ito ng napakaraming polyphenols at catechins, mga antioxidants na nagpoprotekta sa balat laban sa sun damage at binabawasan nito ang pamumula ng balat na dulot ng implamasyon.
7. Honey
Ang mga pagkaing mayroong mga artipisyal na asukal o sweetener ay mayroong hindi magandang epekto sa ating balat. Kung naghahanap ng pamalit na pampatamis, ang honey ay isang magandang substitute. Bukod sa ito ay natural, mayroon pa itong anti-bacterial at antioxidant properties. Ginagamit ito bilang face masks o inaapply sa balat upang mabawasan ang implamasyon, tigyawat at dry skin.
8. Bell pepper
Ang bell pepper ay mayaman sa bitamina na healthy para sa balat tulad ng B6, folate at carotenoids. Ang vitamin B6 ay nakakatulong upang malabanan ang mga kondisyon sa balat tulad ng eczema, tigyawat, at dermat!tis. Samantala ang folate ay nakakatulong upang mapanatili ang pagiging firm ng balat.
Comments
Post a Comment