Carrot Juice, Isang Nakakatulong na Inumin Laban sa Pagkakaroon ng Leukemia o Malalang Kondisyon sa Dugo
Ang leukemia ay ang k(a)nser sa dugo kasama na ang bone marrow at lymphatic system ng ating katawan. Maraming klase ang karamdamang ito at ilan sa kanila ay mas laganap sa mga bata at ang iba naman ay mas karaniwan sa matatanda. Maaari itong mabilis na lumala o kaya’y medyo may kabagalan, depende sa klase nito.
Ang mga karaniwang sintomas nito ay ang mga sumusunod:
-Labis na pagpapawis lalo na sa gabi, ito ang tinatawag na “night sweats”-Pananakit ng mga buto at kasu-kasuan
-Lagnat at kumbulsyon
-Malimit na pagkakaroon ng impeksyon
-Labis na pagkahapo at panghihina kahit walang ginagawang mabigat na gawain at hindi nawawala kahit pa nakapagpahinga na
-Madaling pagdurugo at pagkakaroon ng mga pasa sa balat
-Biglaang pagbagsak ng timbang na hindi sadya o intensyonal
-Pagkakaroon ng mga kulani na maaaring masakit o hindi sa bandang leeg at kili-kili
-Pamamaga ng atay at spleen
-Pagkakaroon ng red spots sa balat
Ano ang kinalaman ng Carrots sa Panlaban sa Leukemia?
May isang pag-aaral na isinagawa noong taong 2011 kung saan ang extract ng carrot juice ay sinubukang gamiting panlunas laban sa mga k(a)nser cells sa loob ng 72 na oras.
Pagkatapos ng eksperimento ay napag-alaman na ang mga apektadong cells ay napuksa at napigilan rin ang patuloy na paglaganap ng mga ito, kaya naman base sa mga resulta na kanilang nakuha, naging konklusyon ng mga eksperto na pwede itong maging epektibong gamot laban sa leukemia lalo na kung makakapag-sagawa pa ng mga karagdagang pagsusuri tungkol rito upang lalong makatiyak.
Ano nga ba ang nutrisyon ng Carrots at bakit ito maaaring makatulong laban sa Leukemia?
Ang carrots ay natural na masustansya at mayaman sa iba’t-ibang mga bitamina tulad ng Vitamins A, B, C at K, pati na ng potassium, folate, fiber, niacin at mga mineral na makakabuti sa ating kalusugan.
Naniniwala ang mga eksperto na nagsagawa ng pag-aaral na malamang ang taglay nitong alpha at B-carotene, polyacetylenes, lutein, lycopene at anthocyanins ay makakatulong sa pagpapatibay ng ating resistensya at makakapagpababa ng tyansa ng pagkakaroon ng iba’t-ibang mga karamdaman katulad ng mga s(a)kit sa puso, pinsala sa utak at iba pang uri ng k(a)nser na maliban pa sa leukemia, halimbawa ay sa baga, colon at prostate.
Comments
Post a Comment