Skip to main content

Damong Maria, Natural na Panlunas sa mga Babaeng may Problema sa Regla




Ang Mugwort o Damong Maria kung tawagin dito sa ating bansa ay isang halaman na matagal nang ginagamit sa medisina dahil sa mga katangian nito na may benepisyong pangkalusugan. Karaniwan rin itong ginagamit ng mga kababaihan dahil sa kakayahan nitong gamutin ang mga karamdaman na partikular sa mga babae kagaya ng dysmenorrhea at iba pang mga sintomas tuwing ang mga babae ay nireregla. 


Ang halaman na ito ay matatagpuan sa halos kahit saang parte ng mundo at ito ay natural na may katangiang pangontra sa mga bacteria, fungi at parasite. Ayon sa mga pag-aaral, ito ay nakakatulong sa pagsasa-ayos ng daloy ng dugo tuwing may buwanang dalaw ang mga babae at ginagawa nitong regular ang pagdating nito kada buwan. Ngunit dahil rin sa mga katangiang ito ay hindi ito pwede sa mga babaeng nagdadalang tao.


Mga Paraan Kung Paano Magagamit ang Damong Maria:

1. Maaari mo itong gawing Tsa-a

Maghalo lamang ng 1 hanggang 2 kutsara ng tuyong dahon ng Damong Maria sa isang tasang tubig na bagong kulo. Takpan ito at hayaang mababad sa loob ng 10-15 minutos at pagkatapos ay salain. Inumin ito hanggang 3 beses sa isang araw.



Ang tsa-a na ito ay may mapait na lasa kaya maigi na haluan ito ng ibang sangkap kagaya ng lemon, luya o kaya ay honey upang mas maging kaaya-aya sa panlasa.

2. Tincture

• Lagyan ang isang garapon hanggang ¾ ng bagong pitas na Damong Maria o hanggang 1/3 naman kung ang gagamitin ay tuyong mga dahon nito. Punuin ito ng vodka at siguraduhin na ang kabuuan ng halaman ay nakababad bago isarado nang mabuti ang garapon. Itago ito sa isang tuyo at may kadiliman na lugar sa loob ng isang buwan o higit pa at kalugin ang laman nito kada ilang araw upang mahalo mabuti. Salain ito at ilipat sa isang lalagyan na may dropper. Kumunsumo ng 1 hanggang 2 punong dropper araw-araw.



3. Para sa balat

• Ang mga dahon nito ay pwedeng dikdikin o kaya ay simpleng ilapat sa bandang puson lalo na tuwing may regla at inaatake ng pananakit sa parteng iyon.

Iba pang mga benepisyo na pwedeng makuha sa Damong Maria:


-Nakakatulong sa tiyan 

Ang mga dahon nito ay may kapaitan na napapagana nito lalo ang ating sikmura at nakakatulong sa mga problema sa tiyan kagaya ng constipation, mabagal na panunaw at nakakatulong rin upang mas ma-absorb ng ating katawan ang mga sustansya na kailangan nito.

-Nakakapag-paihi

• Mas dadalas ang pag-ihi ng taong kumukunsumo nito at ito ay mabuti dahil mas nailalabas nito ang mga sobrang asin at mga lason sa kanilang sistema.

-Nakakapagpaginhawa sa pananakit ng mga kasu-kasuan

• Ang damong ito ay may Borneol na sinasabing nakakatanggal ng s(a)kit na nararamdaman tuwing inaatake ng rayuma.

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-