Ipinagmalaki ng Dalaga ang Lahing Igorot sa Pamamagitan ng Paggamit ng Kanilang Kultura Bilang Them sa Kaniyang Debut
Ang ika-18 na birthday ng mga teenager na babae ay maikokonsiderang isa sa pinakaimportanteng araw para sakanila. Karamihan ay mula pa pagkabata nagpaplano na kung ano ang kanilang susuotin, pagkain na ihahanda, lugar ng paggaganapan, kulay ng mga dekorasyon at pati na kung sino ang mga iimbitahin sa espesyal na araw ng kanilang debut. Karaniwan ay malaking handaan ang nagaganap lalo na kung may sapat na kakayahang pinansiyal ang pamilya kaya naman pabonggahan rin ang mga naiisip na tema ng mga ito. Mayroong mga sumusunod sa tradisyonal na celebrasyon ngunit may ilan rin na kakaiba ang naiisip para sa kanilang theme.
Isa si Caitlyn Evangelista sa mga dalagang hindi sumunod sa nakaugalian na debut party dahil imbes na ang tema ay pang-prinsesa katulad ng nakasanayan na naka-gown at bonggang lokasyon, pinili nitong i-ayon ang debut nito sa kultura at tradisyon ng mga Igorot mula sa Cordillera.
Naisip niya ang ganitong klaseng debut theme dahil sila ay nakatira sa Baguio City at ang ina nito ay isang Igorot, kaya naman napagdesisyonan ng pamilya na ito ang magandang tema upang maging kakaiba at para na rin maipagmalaki ang lahing pinagmulan.
Ang ama naman nito ay nagmula sa ibang lalawigan ngunit sa Baguio rin ito lumaki kaya naman naging malaking bahagi na rin sa buhay nito ang mga taga-Cordillera.
Mula sa kasuotan ni Caitlyn at maging ng kanyang mga bisita ay makikita rin ang tema sa mga ginawang pang-dekorasyon sa kabuohan ng lugar, mga souvenir na ipinamigay at pati na sa mga pagkain. Maging ang handa nito ay ang mga tradisyonal na putahe mula sa Cordillera ang kanilang inihain kung saan nakalagay ang mga ito sa bao ng niyog at dahon ng saging.
Simple lamang ang mga handa nito kung saan hindi rin sila gumamit ng mga kubyertos sa pagkain, kung hindi ay tanging ang kanilang kamay ang ginamit sa pagkain.
Sumayaw rin ang dalaga kasama ang ilan sa kanyang mga bisita ng saliw o “inananinit”, isang tradisyonal na sayaw ng mga taga-Cordillera bilang pagtatapos ng programa.
Kumalat sa Social Media at nagviral ang kakaibang debut ng dalaga na ikinatuwa naman ng mga netizens na nakakita sa mga litrato mula sa selebrasyong naganap kung saan hindi lamang makikita ang pagmamahal ni Caitlyn sa lahing pinagmulan ng kanyang pamilya, lalo na sa side ng kanyang ina, kundi pati na rin ang malasakit nito sa kalikasan sa paggamit ng mga dahon ng saging.
Comments
Post a Comment