Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging malinis sa ating pangangatawan at sa katunayan ay nagagawan pa natin ng paraan para masigurong walang dumi ang ilang kasulok sulukang parte kagaya na lamang ng tenga. Karamihan sa atin ay cotton buds ang ginagamit na panlinis dito dahil maliban sa madali itong gawin ay masarap rin ito sa pakiramdam at talaga namang nakaka-relax. Ngunit alam niyo ba na hindi maganda sa ating kalusugan ang ganitong kaugalian?
Ayon sa mga eksperto, maaring magdulot ng problema sa pandinig ang araw-araw na paggamit ng cotton buds sa ating mga tenga. Sa katunayan, isang netizen ang nagbahagi ng hindi kaaya-ayang karanasan nito dahil sa paggamit niya ng cotton buds.
“Nilagnat, sumakit yung ulo ko sobra at namaga yung right ear ko,” kwento ni Daeron Carlo Pabilona sa kaniyang mahabang Facebook post.
Nagsimula niyang maramdaman ang pananakit ng tenga matapos ang matagal na pagligo sa dagat at swimming pool nang magkaroon ng kasiyahan ang kanilang pamilya sa Batangas.
Dahil sa takot na tuluyang mabingi ay minabuti niyang magpasuri sa ENT at doon niya napag-alaman na delikado na nga ang lagay ng kaniyang tenga. Nagkaroon na ito ng impeksyon at namamaga na rin ang kaniyang ear canal at ear drums.
“Sabi ni Doc, parang Coral Reef yung loob ng ear canal. Sa sobrang linis raw ng ears ko, napasok na lahat ng EAR WAX sa loob,” pagkukwento ng ni Carlo.
Ginawa nila ang lahat para mapabuti ang kaniyang pakiramdam at matapos ang isang linggong gamutan ay kinailangan niyang sumailalim sa tinatawag na ‘ear extraction’. Ito ang paraan kung saan pwersahang kukunin ang mga sumiksik na ‘ear wax’ sa pinaka-loob na bahagi ng tenga. Sa sobrang sakit ng proseso ay halos mahimatay na nga daw si Carlo ngunit pinilit niyang kayanin ito para na rin sa ikabubuti ng kaniyang kalagayan.
Sa kabutihang-palad ay naibalik pa sa normal ang tenga ni Carlo at ngayon ay nakakarinig na siya ng maayos. Dahil nga dito ay nangako siya sa sarili na kailan man ay hindi na siya gagamit ng cotton buds sa paglilinis ng kaniyang tenga.
Samantala, para naman sa mga netizens na nagtatanong kung anong maaring gamitin sa halip na cotton buds ay narito ang kaniyang naging tugon:
"You can use a damp cloth to clean your outer ear. Mas advisable gamitin yung parang kutsara to get the earwax if gusto niyo tanggalin. Kasi the cotton buds pushes the earwax deeper, AKALA LANG NATIN LUMILINIS."
Dba po Yong parang kutsara na panglinis sa tenga masakit yon kc nong first time Kung gumamit non parang masusugat ehh.....
ReplyDelete