Skip to main content

Isang Matanda na 81 Years Old, Nagtitinda pa rin ng Sandwich Gamit ang Lumang Motor Upang Mabuhay





Madalas nating marinig mula sa mga matatanda ang mga katagang ‘mahirap tumandang mag-isa’. Talaga namang totoo ang bagay na ito dahil wala ka ng ibang aasahan kundi ang sarili mo at sa panahon ng kahirapan o karamdaman ay wala kang ibang mahihingian ng tulong. 

Nakakalungkot isipin dahil ang ilan sa atin ay nararanasan ang ganitong uri ng pamumuhay, kagaya na lamang ng isang matandang lalaki na nagmula sa bansang Malaysia. 


Siya ay nakilala bilang si Tatay Winson base na rin sa karatulang nakapaskil sa kahon na nasa likuran ng kaniyang motorsiklo na nagsasabing “Winson Berger”. 





Ang kaniyang kwento ay naibahagi ng concerned netizen na si Soulusi sa Facebook dahil madalas niyang makitang nagtitinda ang matanda, umulan man o umaraw sa labas ng Pudu ICC, isang mall sa Malaysia.

Mag-isa nalang sa buhay si Tatay dahil hindi siya nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng asawa at anak, samantalang ang kaniyang mga magulang naman ay pumanaw na at nalayo na rin siya sa kaniyang mga kapatid. Sa kasalukuyan ay itinataguyod niya ang sarili sa pamamagitan ng pagtitinda ng ‘bak kwa’ sandwich araw-araw.


“I’m already 80 years old and I’m alone with no one to take care of me. I don’t want anything, just hope that I can stay healthy so that I can take care of myself," kwento niya. 




Nangungupahan lang siya ng bahay malapit sa Pudu ICC at para mayroong pantustos sa kaniyang mga pangangailangan ay nagdesisyon siyang magtinda ng pagkain. Ginagawa niya ang bagay na ito sa loob ng mahigit 40-taon at kahit na medyo hirap sa pagtayo ng matagal ay siya mismo ang nag-aasikaso mula sa pagluluto hanggang sa paglalagay ng mga palaman sa tinapay. Ang panghihina ng kaniyang mga tuhod ay dahil na rin sa naging karanasan niya sa pagtatrabaho noon sa konstraksyon. 


Ayon kay Soulusi, ibinebenta ni Tatay Winson ang mga sandwich sa halagang RM3 o di kaya naman ay 36.7 pesos at sa bawat piraso ng mabebenta niyang 'bak kwa' ay kumikita ang matanda ng RM1 o di kaya naman ay 12.23 pesos. Maliit man ang halaga na ito pero ipinagpapasalamat na niyang nakakaraos siya sa buhay dahil sa negosyong meron siya. 


Samantala, dahil sa pagiging viral ng nasabing Facebook post ay paunti-unting dumami ang mga bumibili ng "Winson Berger".

Comments

Popular posts from this blog

Huwag Mag-iiwan ng Water Bottle sa Loob ng Sasakyan Dahil Ito ang Delikadong Maaaring Mangyari

Ang sarap nga naman bumili ng bottled water lalo na kung ito ay malamig at kung tayo ay uhaw na uhaw na. Karamihan sa atin tuwing bumabyahe ay kadalasang may dala-dala tayong mga water bottle. At karaniwan din nating nakakalimutan o iniiwan ang mga ito sa loob ng ating sasakyan kung saan ito ay umiinit kapag nakatutok ang araw sa sasakyan. Hindi lang masama sa ating kalusugan ang pag-inom nito kapag naiwan ito sa loob ng sasakyan kundi ito rin pala ay delikado para sa ating mga kotse.
Ayon sa mga eksperto, ang pag-iwan ng water bottle sa loob ng sasakyan habang tirik na tirik ang araw ay maaaring magsanhi ng sunog dahil sa kemikal ng plastic bottle. Tulad nalang sa nangyaring insidente sa isang lalaki na ito.



Ayon sa lalaki habang nakaupo siya sa kaniyang sasakyan ay bigla na lamang niyang napansin na may umuusok mula sa harapang upuan. Sa paghahanap ng higit pang imbestigasyon ay napag-alaman na nanggagaling ito sa water bottle na nasisinagan ng araw at nagtamo ng dalawang butas sa kan…

Huwag Ninyong Ipagsabay ang Pagkain ng Instant Noodles at Softdrinks Dahil Ito ang Posibleng Mangyari sa Inyo!

Pamilyar ba kayo na kapag inilagay ninyo ang mentos candy sa isang bote ng coke ay nagkakaroon ng ito physical reaction kung saan ito ay maaaring magdulot ng eruption o ang pagsabog ng softdrinks sa loob ng bote nito?
Subalit alam niyo ba kung ano ang mangyayari kung kumain kayo ng instant noodles at uminom kayo ng softdrinks? 


Sa isang viral na kwento ng isang netizen na si Xiao Chao sa Hangzhou China, idinala ito sa emergency room matapos siyang kumain ng instant noodles at uminom ng softdrinks.
Ito ay nakaramdam ng pananakit ng kanyang tyan at pananakit ng kanyang balikat, bewang at likod. Sinubukan i-diagnose ng mga doktor ang kanyang kalagayan subalit hindi nila matukoy kung ano ang nagdulot nito. Binigyan ito ng mga gamot na pantanggal ng pananakit ng tyan subalit matapos ang ilang oras ay patuloy parin ang kanyang nararamdaman.


Sumailalim ito sa Abdominal xray upang malaman ng mga doktor ang sanhi ng kanyang abdominal pain. At ang kanilang nakita ay punong-puno ng gas ang loob ng k…

8 Na Paraan Kung Paano Mo Mapapasaya Ang Iyong Asawa (Misis)!

Ayon nga sa isang kasabihan, "A happy wife means a happy life." Maraming paraan kung paano mo mapapanatiling masaya ang iyong asawa. Ang pagiging isang mabuting asawa ay isa mga bagay na magpapatatag sa inyong relasyon.
Mayroong mga simple at maliliit na bagay na pwede mong gawin upang mapanatili mong masaya si misis! Narito at alamin ninyo!
1. Pagsabi ng "i love you" o "mahal kita" ng madalas
Ang simpleng pagsabi ng 'i love you' ay isa ng malaking bagay ng pagpapakita kung gaano mo siya kamahal. Kaya sabihin ito ng madalas at buong puso.

2. Respetuhin ang kanyang privacy at personal space
May mga oras na kinakailangan ng mga babae na magkaroon ng "me time" o ang pagkakaroon ng oras para lang sa kanyang sarili. Bigyan siyang oras na makapunta sa salon, magpa-manicure, magpa-spa o magkaroon ng oras para sa ibang bagay para siya ay makapag-relax. 
3. Tumulong sa mga gawaing bahay
Matagal ng nakasanayan na ang mga babae ang siyang gumagawa ng…