Ang utak ang pangunahing nagko-kontrol sa ating kaisipan, memorya, pananalita at pagkilos ng iba’t-ibang parte ng ating katawan. Dahil ito ay sadyang napakahalaga, nararapat na ito ay magkaroon ng sapat na pahinga at masigurado na lahat ng nutrisyon na kinakailangan nito ay maibigay natin. Maigi rin na mapangalagaan pati na ang ating buong katawan dahil ang bawat isa ay konektado at ang ano mang problema sa kahit alin man sa mga ito ay maaaring mauwi sa pagkakapinsala ng utak.
Narito ang mga nakaugalian at mga gawain na pwedeng magsanhi ng problema sa normal na pagtakbo ng ating utak na pwedeng mauwi sa iba’t-ibang kondisyon katulad ng dementia, epilepsy, stroke at maging ng k(a)nser:
1. Kakulangan sa tulog
Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na oras ng pagtulog dahil ito lamang ang pagkakataon ng ating katawan na makapagpahinga at maiayos ang ano mang pinsala na ating natamo dulot ng stress sa araw-araw. Ipinapayo ng mga ekperto na siguraduhing makakatulog tayo ng 7 hanggang 8 oras bawat gabi para mapanatili ang malinaw na pag-iisip at magawa natin ang lahat ng kailangang gawin na hindi mabigat ang pakiramdam sa buong araw.
Makakatulong rin ito sa ating konsentrasyon at makakapagbigay ng enerhiya na ating kakailanganin sa trabaho man, pag-aaral at kung ano pa man.
2. Dehydration
Ayon sa pagaaral, 60% ng ating katawan ay tubig kaya naman napakahalaga na ang ating katawan ay sagana rito dahil ito ay nababawasan sa pagdaan ng oras dahil sa pagpapawis, pagluha at pag-ihi. Ang kakulangan sa tubig ay may malaking epekto hindi lamang sa ating pisikal na kalakasan kundi pati na sa ating pag-iisip at iba pang trabaho ng ating utak. Ugaliin na makainom ng 8 hanggang 10 baso ng tubig sa loob ng isang buong araw.
3. Labis na pagkain ng mga matatamis
Ang asukal, natural man o artipisyal, ay isa sa mga pangunahing nagsasanhi ng iba’t-ibang s(a)kit at pati na ng k(a)nser, kaya naman pinapaalala ng mga doktor na dapat kontrolin ang dami nito sa kahit anong kinakain natin.
Nakakapinsala ito sa ating mga cells sa katawan pati na sa ating utak dahil napipigilan nito ang absorption ng mga sustansya na kinakailangan ng mga ito. Sa kalaunan ay maaaring tumaas ang posibilidad ng isang tao sa pagkakaroon ng dementia, isang kondisyon sa utak kung saan pumapalya ang memorya, kakayahan sa pagsasalita at iba pang normal na gawain ng ating utak.
4. Hindi pagkain ng almusal
Hindi na bago sa ating kaalaman na ang almusal ang pinaka-importanteng pagkain sa buong araw at ito ay may katotohanan. Ang pagliban sa pagkain ng almusal ay magreresulta ng mababang blood sugar na pwedeng makasira sa ating utak lalo pa at ito ang pinaka-nangangailangan ng nutrisyon kumpara sa iba pang parte ng ating katawan. Kapag ito ay madalas mangyari, kalaunan ay maaari itong mauwi sa brain degeneration.
5. Paninigarily0
Ang paninigarilyo ay hindi lamang nakakasama sa ating baga kundi maging sa ating utak, dahil nagsasanhi ito ng pinsala sa brain cortex na siyang responsable sa ating memorya at pananalita at ng mga brain cells natin na pwedeng makaapekto sa ating balanse, koordinasyon at pagkilos ng iba’t-ibang parte ng ating katawan.
Comments
Post a Comment