Bukod sa pag-eehersisyo at tamang diyeta ay mayroong mga bedtime habits o mga gawain bago matulog na nakakatulong upang mas mapabilis ang iyong pagpayat.
Sa gabi, ang ating katawan ay nagsusunog ng 300-400 na kalorya. Ayon sa mga eksperto, ang pagkakaroon ng tama at sapat na tulog ay nakakatulong rin sa pagpapapayat. Kaya naman kung nais mo talagang maachieve ang pagkakaroon ng slim body ay isama ang mga bedtime habits na ito sa iyong pang araw-araw.
1. Matulog ng maaga at gumising ng maaga sa pare-parehong oras
Ang pagkakaroon ng paiba-ibang oras ng pagtulog ay nakakapagdulot sa pagdagdag ng timbang. Ang hormone na melatonin ang nagsasabi kung kailan tayo matutulog. At kapag naging incosistent ang iyong habit sa pagtulog, kumokonti ang iyong melatonin at bumabagal ang iyong metabolismo.
2. Iwasan ang paggamit ng iyong cellphone o gadget bago matulog
Ang labis na ilaw na nagmumula sa ating mga gadgets ay isa sa mga rason kung bakit hindi ka makatulog ng maayos. Ang blue light na ine-emit ng ating cellphone ay dine-delay ang produksyon ng melatonin na responsable upang tayo ay makatulog. Kaya naman umiwas gumamit ng iyong gadget 2 oras bago matulog.
3. Magsagawa ng resistance training exercises
Ang pisikal na ehersisyo ay isang magandang paraan upang matanggal ang stress at mapabilis ang metabolismo bago matulog. Ang mga halimbawa ng resistance training exercises ay swimming at weight lifting exercises. Nakakatulong rin ito sa pagsunog ng taba.
4. Uminom ng herbal tea
Mayroong mga herbal tea na nakakatulong sa mahimbing na pagtulog at sa pagsunog ng taba sa gabi. Halimbawa nito ay peppermint, na nakakabawas sa appetite at nakakarelax. Chamomile na nakakaimprove ng digestion at nirerelax ating mga nerves.
5. Uminom ng grape juice
Ang paginom ng grape juice bago matulog ay nakakatulong sa pagsunog ng mga kalorya, ito ay dahil sa substansya na resveratrol. Kinokonvert nito ang bad white fat sa beige fat. Ang beige fat kasi ay nakakatulong upang maging warm ang ating katawan. Kaya naman isang tasang grape juice sa gabi ay magandang inumin.
Comments
Post a Comment