Mula pa noon at maging hanggang ngayon, isa na ang pisikal na anyo sa mga unang tinitingnan ng mga tao kapag sila ay naghahanap ng potensyal na makakasama sa buhay. Ang kagandahan ng kalooban at katalinuhan ay pumapangalawa na lamang dahil kung hindi pasado ang itsura ng isang tao ay hindi sapat ang mga ito upang sila ay piliin at mahalin. Kung hindi kagandahan o kagwapuhan ay pera naman at katayuan sa buhay ang madalas na matimbang, ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay ang mga ito lamang ang mahalaga. May iilang tao na hindi pisikal na anyo ang pinaka-importante, halimbawa na lang ay ang mag-asawang nag-viral nito lamang nakaraan sa social media.
May mga litrato ng isang masayang pamilya ang nakatawag ng pansin sa mga netizens dahil sa kaibahan ng itsura ng lalaki.
Makikita na ang babae ay talaga namang maganda at ang balat ay mala-gatas sa kaputian at kakinisan, samantalang ang asawa nitong lalaki ay maituturing na ordinaryo lamang ang itsura. Hindi mawari kung nagkaroon ng diperensya sa pisikal na itsura ng lalaki noon, subalit ang ilang mga netizens ay agad na siyang nahusgahan dahil lamang mayroon itong maganda asawa.
Makikita rin sa mga litrato na ang mag-asawa ay may tatlo nang anak, dalawa na naglalaro sa edad ng 3 o 4 at isa na mukhang bagong silang lamang. Bakas ang kasiyahan sa mga mukha ng pamilya at kitang-kita na kuntento ang mga ito sa kanilang sitwasyon.
Umani ng iba’t-ibang reaksyon ang mga litrato at marami sa mga nagkomento ay nagsabing tila hindi raw nababagay ang itsura ng lalaki sa kaniyang asawa na babae dahil sobrang ganda raw nito para maging kaniyang asawa.
May ibang nanghusga agad na malamang daw ay mayaman ang lalaki at pera ang naging habol ng magandang babae at may ilan ring nagsabi na “love is blind” nga raw talaga.
Patunay lamang na marami pa rin sa atin ang may makikitid na utak at napakadali sa kanila ang manghusga ng kapwa, kahit pa hindi naman alam ng mga ito ang buong kwento ng mag-asawa.
Marami man ang mapanghusga ay mayroon rin namang mga tao ang nagpahayag ng paghanga dahil ano man ang sabihin ng iba ay mukhang maligayang-maligaya ang mag-asawa sa piling ng isa’t-isa at ng kanilang mga anak. Ang mag-anak na ito ay nagsisilbing inspirasyon sa ibang tao at patunay na ang pisikal na kaanyuhan ay hindi lamang ang natatanging mahalaga sa buhay.
Comments
Post a Comment