Para sa Mayroong Sinusitis, Subukan ang Home Remedies na Ito Para Mawala ang Sipon at Baradong Ilong
Napakaraming mga halamang gamot ang kapaki-pakinabang upang matulungang mapalakas, mapanatiling malusog ang ating kalusugan. Gayunman nakatutulong rin ang mga ito na malunasan ang iba't ibang karamdaman. Tulad na lang ng kondisyon sa sinus o sinusitis, isang kondisyong nakakaapekto sa ating sinus sa ilong mapabata man o matanda lalo na sa panahon ng taglamig o mainit na panahon na pabago-bago.
Ano nga ba ang sinusitis? Ano ba ang masamang epekto nito kapag hinayaan lumala?
Ang Sinusitis ay isang kondisyon nauugnay sa implamasyon o pamamaga ng tisyu sa daluyan ng sinus sa ating nasal cavity. Ang ating mga sinus ay sensitibo sa mga germs at microorganism na maaaring pumasok dito at maapektuhan nito na kung saan ay nagdudulot ng pamamaga ng ating mga sinus at pagkakaroon ng mga sumusunod na sintomas.
Sintomas ng Sinusitis:
-malalang sipon o baradong ilong
-pressure sa kanilang mata
-kawalan ng pang-amoy
-hirap sa paghinga sa ilong
-masakit na lalamunan
Ang pagkakaroon ng sinusitis ay maaari rin magdulot ng lagnat, trangkaso, sore throat at pananakit ng mukha sa bandang ilalim ng mga mata.
Kadalasan itong nagagamot ng mga antibiotic subalit ayon sa mga eksperto, mainam na agapan ito sa pamamagitan ng paggamit o pag inom ng ilang herbal medicine dahil simple lamang ito kung gamutin.
Ilang home remedies para matanggal ang sinusitis:
1. Luya
Ang luya ay naglalaman ng gingerol na kung saan ito isang malapit na grupo ng aromatic na siyang responsable sa kakayahan ng luya sa medisinal na paggamot. Samantalang ang nilalaman na potent antioxidant at anti-inflammatory ay nakatutulong upang maibsan ang nararamdaman sa namamaga at baradaong ilong.
Nakakatulong din ito upang matanggal ang sobrang sipon sa ating ilong na kung saan ay nagdudulot sa hirap sa paghinga.
Kaya naman gumawa ng luyang tsaa sa pamamagitan ng paglaga ng sampung hiwa ng luya o higit pa. Inumin ito dalawang beses sa isang araw.
2. Tsaang bawang
May nilalaman ang bawang na nakatutulong sa pagpuksa sa mikrobyo o impeksyon. Bukod rito maaari itong gamiting suporta sa inyong immune system. Maglaga ng tatlong tasang tubig at tatlo hanggang apat na butil ng bawang sa loob ng dalawampung minuto. Sa inyong pag-inom, dagdagan ng kalahating kutsarang honey at lemon juice. Ang tsaang bawang ay maaaring inumin ng kalahating tasa tatlong beses sa isang araw.
3. Tsaa ng Coneflower
Ito ay isa sa pinaka-karaniwang immune-stimulating herb. Kinokonsidera rin itong pinaka-malakas na gamot sa impeksyon. Para makuha ang benepisyong tinataglay nito, kailangan lamang natin maglaga ng ugat ng coneflower o enchinacea sa loob ng kalahating oras. Salain ito upang maihiwalay ang ugat at gawang tsaa. Matapos maaari na itong inumin.
4. Chamomile Tea
Ang tsaa na ito ay nirerekomenda sa mga taong patuloy ang pag-uubo na may kasamang sipon dahil sa pagkakaroon ng sinusitis. Sa pag-amoy nito ay nakatutulong sa inyong nararanasang sak!t, kati ng lalamunan at baradong ilong. Kailangan ng tatlong tasa ng tubig at tatlong kutsarang tuyong mansanilya o charmomile. Pakuluan ito ng labing limang minuto. Matapos ito, maghanda ng malinis na kumot, sakluban ang iyong ulo. Amuyin ang tsaa ng limang minuto at magpahinga ng tatlumpong minuto. Muli gawin ito hanggang tatlong beses.
Comments
Post a Comment