Skip to main content

3 Years ng Binubuhat ng Huwarang Lalaking Ito ang Kaniyang Kaibigan Papunta sa Eskwelahan Araw-araw Para Makapag-Aral!




Mayroong pagkakataon sa buhay ng bawat estudyante na nawawalan sila ng gana sa pagpasok sa paaralan. Maaaring ito ay dulot ng hindi magandang karanasan o di kaya naman ay masamang pakiramdam. Ganoon pa man, ang karamihan sa kanila ay hindi nagpapatalo sa ganitong kalagayan at  sinisikap na bumangon ng maaga para sa araw-araw na pakikipagbaka sa paaralan lalo na at sabik silang maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay. 

Sa katunayan, kahit ang kapansanan ay hindi rin nagiging hadlang para matigil sila sa gusto nilang gawin sa buhay kagaya na lamang ni Zhang Chi. 


Nagkaroon ng komplikasyon ang mga paa ni Zhang at hindi niya na ito magamit sa kaniyang paglalakad. Sa kabutihang palad ay nagkaroon siya ng matalik na kaibigan sa katauhan ni Xie Xugang at dahil sa kaniya ay naipapagpatuloy niya ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. 




Araw-araw ay sinusundo siya ng kaibigan sa kanilang bahay at sabay silang pumapasok sa paaralan. Dahil sa kondisyon ni Zhang, kinakailangan siyang buhatin sa likod ng kaibigang si Xie hanggang sa sila ay makarating sa loob ng kanilang silid-aralan na matatagpuan sa ika-tatlong palapag ng gusali. 


Mahirap ang kanilang sitwasyon lalo na at kailangan nila itong gawin araw-araw sa loob ng tatlong taon hanggang sa sila ay makapagtapos ng high school. Ganoon pa man, hindi ito alintana ni Xie dahil nais niya na sabay sila ng kaniyang kaibigan sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. 




Noong una ay hindi pabor ang mga magulang ni Xie sa kaniyang desisyon dahil maaring makaapekto ito sa kaniyang grado sa paaralan. Ngunit pinatunayan niyang mali ang mga ito at mas naging maganda pa nga ang kaniyang grado dahil naging inspirasyon nito ang kaibigang si Zhang. Sabay nga silang nakapagtapos ng highschool at magkahiwalay man sa papasukang paaralan sa kolehiyo ay nanatili paring matalik na magkaibigan ang dalawa. 


Nakakatuwang makita na sa mga panahon ng ating kahirapan ay mayroon tayong mga kaibigan na handang tumulong ng walang hinihintay na kapalit. Ganito ang uri ng pagkakaibigan na natanggap ni Zhang mula kay Xie at nawa ang bawat isa sa atin ay magkaroon din ng ganitong klase ng kaibigan.




source: gtgoodtimes

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-