Skip to main content

5 Natural Na Panlunas at Panlaban Sa UTI



Ang UTI o impeksy0n sa ihi ay isang karaniwang karamdaman na maaaring maranasan bata man o matanda ngunit mas karaniwan ito sa mga babae kumpara sa mga lalaki. Ang nagdudulot nito ay isang bakterya na tinatawag na Escherchia coli (E.coli) na pumapasok sa urethra. 

Ang UTI ay mayroong mga karaniwang sintomas tulad ng kahirapan o mahapding pakiramdam sa pag-ihi, pagsak!t ng puson, lagnat, at panghihina. Ito ay nagagamot naman sa antibi0tic na nireseta ng doktor ngunit para sa mga taong ayaw ang paraan na ito ay maaari namang sumubok ng natural na paraan. Narito at alamin.

1. Mais

Ang paginom ng tubig sa pinagkuluang mais ay pinaniniwalaang nakakatulong magpagaling sa UTI dahil sa taglay nitong tannin at anti-oxidant. Magpakulo lamang ng sariwang mais at inumin ang pinaglagaan nito.

2. Sambong

Ang dahon ng sambong ay isang isang diuretic na ang ibig sabihin ay pampaihi. Mayroon na ring inilabas na mga kapsula sa merkado na gawa sa sambong dahil sa dami nga ng benepisyo nito sa katawan. Pakuluin lamang ang dahon ng sambong at inumin ang pinaglagaan nito. 

3. Sabaw ng buko

Ang sabaw ng buko ay natural at maraming nutrisyon. Ito ay ipinapainom sa mga taong nakakaranas ng sak!t sa bato at UTI dahil ito ay isang mabisang pampaihi. Dalasan ang pag-inom ng natural na sabaw ng buko dahil maganda ang epekto nito sa katawan lalo na't kung mayroon kang UTI. 



4. Pipino

Ang iyong ugali na hindi palainom ng tubig ay isa sa mga posibleng dahilan kung bakit ka nakakaranas ng impeksy0n sa pag-ihi. At kung ganito nga ang iyong gawain, dalasan ang pagkain ng pipino. Ang pipino kasi ay nagtataglay ng tubig at mayroong alkaline minerals na nakakatulong pigilan ang bakterya na nagdudulot ng UTI. Mayroon din itong anti-inflammatory properties na nakakatulong upang mabawasan ang implamasyon at pananak!t na dulot ng UTI. 

5. Apple Cider Vinegar

Ang acetic acid sa apple cider vinegar ay mayroong anti-bacterial components na nakakatulong puksain ang mga bakterya sa iyong urinary tract. Mayaman rin ito sa potassium na nakakapigil sa E.coli bacteria na nagdudulot ng UTI. Inumin ito ng puro (1-2 kutsara kada araw) o ihalo ito sa tubig na may honey kung masyado itong maasim sa iyong sikmura.

Disclaimer: 
Ang mga naitalang paksa, larawan, at impormasyon sa site ng PH Daily Updates ay layuning makapagbigay lamang ng impormasyon. Ang nilalaman ng artikulong ito ay hindi intensyong gawing pamalit ito sa propesyunal na medikal na payo. Mas makakabuti pa ring magpasuri sa isang propesyunal na doktor o qualified health provider. 

Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan.  At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila! 1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5 Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe' Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar,

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing.  Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo. 1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo.  2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis n

Paraan Upang Malaman Kung Fresh o Luma Ang Nabiling Itlog At Kung Safe Pang Lutuin!

Kapag tayo ay bumibili ng itlog sa mga grocery stores o palengke, minsan ay hindi naman natin naluluto ito agad agad. Kaya ang gagawin ay ilalagay muna ito sa ref upang mas mapatagal ang 'freshness' nito.  Ngunit kung nakaligtaan kung ilang araw o linggo na itong nabili, alam mo ba kung paano ka makakasiguro na pwede mo pa itong iluto at kainin? Narito ang mga paraan kung paaano mache-check kung luma na o fresh pa ang itlog. 1. Sniff Test Sa pamamagitan ng sniff test o ang pag-amoy, malalaman kung ang itlog ay luma na. Ang nalumang itlog ay mayroong masangsang na amoy kahit hindi mo pa ito binubuksan. Kung wala naman itong amoy, ay maaari pa itong lutuin at kainin. Kung hindi ka pa rin sigurado, basagin ang itlog at amuyin ito kung mayroong masamang amoy. Dahil kung mayroon ay itapon na ito agad agad. 2. Itapat sa tenga at alugin Itapat ang itlog sa iyong tenga at alugin. Pakinggan kung mayroon itong tunog. Habang naluluma ang isang itl