Hindi na nakakapagtaka na ang puno ng niyog ang pinakamaraming benepisyo sa lahat ng mga puno. Mula ugat, punong kahoy, dahon at bunga nito ay may kanya-kanyang tinataglay na gamit.
Ang coconut oil na makukuha sa bunga ng niyog ay isa nga nga sa mga pinaka-healthy na oils na matatagpuan sa ating planeta. Hindi lamang ito ginagamit sa pagkain kundi pwede pa itong gamitin sa katawan at bilang pampaganda. Narito at alamin ninyo!
1. Pangkondisyon ng buhok
Kung mapapansin niyo, karamihan sa mga hair care na produkto ay nagtataglay ng coconut oil sa kanilang labels. Ito ay dahil may kakayahan itong ikondisyon ang iyong buhok na walang iniiwang matapang na kemikal. Sa katunayan, maaaring gamitin direktang ang coconut oil sa iyong buhok upang mas lalo itong lumambot at kumintab.
2. Pantanggal ng buhaghag o frizz sa buhok
Kapag nagiging dry ang buhok ay nawawala ang natural nitong kintab at lambot. Nagiging itong buhaghag at frizzy. Masosolusyunan ang problemang iyan sa pamamagitan ng paghaplos ng coconut oil sa dulo ng hibla ng iyong buhok upang maiwasan ang pagbuhol-buhol at pati na rin ang pagkakaroon ng split ends.
3. Body moisturizer
Kung sensitibo ang iyong balat sa mga iba't ibang mga matatapang na lotion, dapat ay subukan mo na ang coconut oil. Isa kasi itong body moisturizer na natural, mild, at walang halong kemikal. Maaaring magpatak lamang ng coconut oil sa iyong katawan at ipahid ito upang ma-hyrate ang iyong balat at maibalik ang lambot at kinis.
4. Pampalambot ng labi
Isang paraan upang maiwasan ang pagda-dry at pagbabakbak ng labi ay gamitan ito ng coconut oil. Makakatulong ito lalo na't wala itong matapang na ingredients, mabango at nakaka-penetrate ng mabuti para mabalik ang moisture sa iyong labi.
5. Pantanggal bad breath
Ang oil pulling ay nakakatulong upang matanggal ang mga bakterya sa iyong bibig na nagsasanhi ng mabahong hininga. Ang coconut oil kasi ay mayroong antimicrobial properties. Ang paraan ng oil pulling ay ang pagmumog ng coconut oil sa iyong bibig matapos magsepilyo.
6. Make up remover
Isang problema ng mga mahilig sa make up ang tanggalin ang mga waterproof at makakapit na mga make up sa mukha. Ngunit huwag nang mag-alala at huwag nang bumili pa ng mga mamahaling make up removers, dahil sa coconut oil lang ay tiyak na matatanggal iyan. Magpatak lamang sa cotton pad at maaari na itong gamitin bilang make up remover.
Comments
Post a Comment