Ang carrot ay isang uri ng root vegetable na madaling matagpuan kahit saan. Ito ay karaniwang isinasama sa mga iniluluto na ulam, ginagawang salad o di kaya ay kinakatas at iniinom bilang carrot juice.
Ang carrots ay napakaraming benepisyong hatid sa ating katawan at madalas ay hindi naman natin ito napagtutuunan ng pansin. Kaya naman narito at alamin ang mga magagandang benepisyong naibibigay nito sa ating kalusugan.
1. Nakakapag-improve ng ating paningin
Noong bata pa tayo ay madalas na sabihan tayo ng mga matatanda na kumain ng carrots dahil pampalinaw ito ng mata. Ang carrots ay nakakatulong upang maprotektahan ang ating mata at magkaroon ng isyu rito.
Kinokonvert ng ating katawan ang beta-car0tene sa vitamin A, na esensyal sa ating mata. Ang madalas na pagkain nito ay nakakatulong rin upang maiwasan ang pagkakaroon ng macular degeneration at iniimprove ang ating paningin sa madilim.
2. Pinapababa ang kolesterol
Ang carrots ay mayaman sa soluble fiber na pectin na isang rason kung bakit maaaring nakakatulong ito sa pagpapababa ng kolesterol.
3. Pinoprotektahan ang ating mga ngipin
Nakakatulong ang pagkain ng carrots na malinisan ang ngipin sa pamamagitan ng saliva production. Ang pagkonsumo ng carrots pagkatapos kumain ay nakakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng cavities.
4. Pagkain para sa balat
Dahil sagana ito sa beta-car0tene, nakokonvert ito ng katawan sa vitamin A na nakakatulong rin upang maiwasan ang pagkasira ng ating mga selyula at maagang pagtanda ng balat. Benepisyal rin ito para maprotektahan ang balat laban sa sun damage.
5. Maaaring makatulong sa pagiwas sa pagkakaroon ng heart d1sease
Dahil nakakatulong ang pagkain ng carrots para mapababa ang kolesterol sa katawan, mayroon rin itong magandang epekto sa puso.
6. Pampapayat
Mayaman ito sa fiber at mababa sa kalorya kaya naman maganda itong kainin ng mga nais magpapayat at mag-dyeta. Madali itong makapagpabusog kaya naman ang taong nagpapapayat ay maiiwasang kumain ng marami.
Comments
Post a Comment