Alam niyo ba na ang pangunahing nakakapagpapangit ng ating buhok ay ang mga modernong shampoo at conditioner ngayon na punong puno na ng kemikal na siyang sumisira sa ating buhok? Kung kayo ay nakakaranas ng damaged at dry hair dahil sa madalas na pag shampoo at pagpapa treatment, maaaring ang inyong dating healthy hair ay damaged at puno na ng split ends ngayon.
Gayun pa man, mayroong isang kilala home remedy na madalas gamitin ng ating mga lola at tita noon. Ito ang pagggamit ng Mayonnaise sa kanilang buhok upang mapanatili itong malambot at healthy.
Karaniwan ang mayonnaise na ginagamit sa pagpapalaman ng tinapay, sangkap sa salad at pang-sawsawan. Ngunit ito ay isa rin sa mabisang natural na paraan upang gumanda ang iyong buhok at mapangalagaan ito. Sa pamamagitan nito makakamit ang kinang ng iyong buhok, lambot, tibay at lusog nito. Ang nilalaman na nakapaloob rito na pula ng itlog, suka, fatty acids, protina at bitamina ay mga responsable sa nakakagulantang na benepisyo nito sa inyong buhok.
Ito ang mga rason kung bakit magandang gamitin bilang hair treatment ang mayonnaise:
1. Nakakatulong para matanggal ang kuto
Sino ba naman ang hindi maiinis at maiirita sa pangangati ng iyong ulo dahil sa nakakapit na kuto sa inyong buhok?. Ang isang maganang home remedy para dito ay ang paggamit ng mayonnaise. Sa pamamagitan ng pagpahid nito sa inyong buhok hanggang anit ay masoffucate at mapupuksa ang kuto.
2. Ibinabalik ang Ph Level ng buhok
Ang magandang lebel ng pH sa inyong buhok ay nasa pagitan ng 4.5 at 5.5. Gayunman ang nilalaman na suka o katas ng mayonnaise ay nakatutulong sa pagbabalik ng tamang pH na balanse ng iyng buhok at anit. Ang acidity ng buhok ay isang paraan upang maiwasan ang fungal o bakteryal na impeksyon tulad ng balakubak. Bukod pa, mapananatiling malusog ang buhok at matibay.
3. Para sa pampalabong ng buhok
Ang nilalaman na L-cysteine at an amino acid ng mayonnaise ay nakapagpapalusog sa atig buhok at matulungang mapabilis na lumabong o tumubo ng maganda ang buhok. Dahil naman sa mayaman ito sa nilalaman na protina, makaiiwas sa pagpuputo-putol ng buhok at pagkalagas upang maging maganda at malusog ang buhok. Bukod rito may kakayahan rin itong mapalambot ang ating buhok at manatili itong moisturize.
4. Lunas sa balakubak
Dahil sa acidic nature ng mayonnaise nakatutulong ito sa paglunas ng pagbakbak ng anit at balakubak. Kaya rin nitong kontrolin ang produkyon ng sebum na kung saan ito ang sanhi ng pagkakaroon ng balakubak.
5. Nakakapagpalambot ng buhok
Hindi lamang ang mga kilalang brand ang maaaring makapagkondisyon ng maganda sa inyong buhok, kung hindi ay ang Mayonnaise rin pala. Dahil sa mayaman ito sa nilalaman na amino at fatty acids, epektibo itong paraan upang mapanatiling diretso at moisturize ang buhok. Kaya rin nitong malunasan ang split ends, mabuhay muli ang marupok at sirang buhok.
6. Para sa buhaghag at kulot na buhok
Nakakagulat ba ang iyong buhok tuwing pagkagising sa umaga dahil sa pagkakabuhaghag nito? Madalas ba itong tumitikwas at paiba-iba ng direksyon? Ang paggamit ng mayonnaise ay nakakatulong upang matulungang lumambot at moisturize ang iyong buhok kung saan matanggal ang buhaghag at kulot na buhok.
7. Protektahan ang makulay na buhok
Sa panahon ngayon nakakahiligan na ng karamihan ang pagpapakulay ng kanilang buhok. Kaya naman madali lamang na masira ang buhok dahil sa mga iba't ibang kemikal na nakapaloob rito. Bukod pa mabilis lamang na bumalik ang orihinal na kulay. Ngunit gamit ang mayonnaise maproprotektahan na ang kalusugan ng iyong buhok pati na rin ang kulay nito.
Paraan sa paggamit nito:
-Basain ng kaunti ang iyong buhok. Ihanda ang isang tasang mayonnaise.
-Ipahid ito sa inyong buhok mula anit hanggang dulo nito.
-Kapag nalagyan na lahat ang iyong buhok, imasahe ang anit at mga hibla ng buhok. Hayaan ito ng dalawampung minuto.
-Makalipas ang nasabing oras, hugasan ng mabuti ang buhok kasama ng moisturizing shampoo.
-Gawin ito ng tatlong beses sa isang linggo
-Maaari rin na idagdag ang itlog at langis ng oliba.
Comments
Post a Comment