Ang langka ang kinu-konsiderang pinakamalaking prutas sa buong mundo at ito ay puno ng sustansya na maganda sa ating katawan. Ang bunga nito ay matamis at malaman, at dahil sa laki nito, ginagamit na rin itong pamalit sa karne sa ibang mga lugar at lalo na ng mga taong piniling tuluyan na umiwas sa pagkonsumo ng karne. Karaniwan ay kinakain lamang ang laman nito at ang mga buto ay itinatapon na ngunit ayon sa mga pag-aaral, ang mga buto nito ay sagana rin sa nutrisyon katulad ng thiamin, riboflavin, zinc, iron, calcium, copper, potassium at magnesium kaya naman ipinapayo na ito rin ay kainin at huwag itapon.
Narito ang mga benepisyong maaaring makuha sa mga buto ng langka:
1. Panlaban sa anemia
Ang mga ito ay sagana sa iron na siyang pinaka-kinakailangan ng mga taong may anemia. Mayroon itong sapat na iron para maiwasan ang iba’t-ibang karamdaman sa dugo pati na sa pagpapabilis ng produksyon ng red blood cells na kalaunan ay makakatulong sa mga taong may anemia.
2. Nakakatulong sa panunaw
Maaaring makapagbigay ng kaginhawaan ang buto ng langka sa mga taong sinisikmura sanhi ng impatso. Nagtataglay rin ito ng dietary fibers na siyang tutulong sa panunaw ng ating katawan at ayon sa mga pag-aaral, ang katas nito ay pwedeng maging panlunas sa diarrhea.
3. Pang-iwas sa k(a)nser
Ang mga ito ay mayroong isoflavones, saponins, lignans at phytonutrients na importante sa pagpapababa ng tyansa nating magkaroon ng k(a)nser. Nagbibigay ito ng proteksyon sa ating katawan laban sa mga tinatawag na free radicals na siyang nagsasanhi ng pinsala sa ating DNA at nagpapalaganap ng c(a)ncer cells.
4. Nagpapalinaw ng paningin at nagpapaganda ng buhok
Mayaman ang mga ito sa Vitamin A na kilala nang nakakatulong upang mapanatili ang kalusugan ng ating mga mata. Ang pagkonsumo ng mga buto ng langka ay nakabubuti upang makaiwas sa katarata na pwedeng mauwi sa pagkabulag. Ang vitamin A rin ay- nakakapagpanatili ng malusog na kondisyon ng ating buhok upang ito ay maging matibay at maganda ang tubo.
5. Pang-iwas sa mental stress at mga problema sa balat
Mataas ang mga ito sa protina at iba pang masustansyang katangian na makatutulong mapanatili maayos ang stress levels ng ating mentalidad at nakabubuti sa kondisyon ng ating balat.
Paraan kung paano makakain ang mga buto ng langka:
-Pwede itong gawing jam, jelly at chutney
-Pwede itong ilaga o tustahin para makain (tanggalin lamang ang balat)
-Durugin ang mga buto hanggang sa maging pinong pulbos at gamitin bilang pamalit sa ordinaryong harina
Paalala: Ang mga buto ng langka ay hindi dapat kainin ng hilaw dahil ito ay may mga katangian na maaaring magsanhi ng ating pagkakasakit. Ang mga tao naman na may iniinom na gamot ay maiging kumunsulta muna sa kanilang mga doktor bago sumubok kumain ng mga ito.
Comments
Post a Comment