Normal na ang pagkakaroon ng eyebags sa panahon ngayon dahil ang modernong mundo na ating kinatatayuan ngayon ay punong-puno na ng stress mula sa ating trabaho hanggang sa ating environment. Ang madalas na pagpupuyat at pagkastress gabi-gabi ay nagreresulta sa pagkakaroon ng eye bags at pangingitim sa ilalim ng iyong mga mata.
Nakakairita nga naman itong makita, gayon man may mga kaso rin na ang pagkakaroon ng pangingitim sa ilalim ng iyong mata ay dahilan o resulta ng allergy o maaaring dahil sa ating genes.
Kaya naman narito ang epektibo at natural na paraan upang luminaw at mawala na ang pangingitim sa ilalim ng iyong mga mata.
1. Pagtapal ng Pipino
Ang anti-oxidants na matatagpuan sa pipino ay naghahatid ng paglambot at pagganda ng ating balat. Kaya naman bukod sa pagkain nito ay maaaring iapply ang pipino sa inyong mata. Irelax lamang ang katawan at hayaan itong nakalagay sa loob ng labing-limang minuto. Matapos ang nasabing oras hugasan ng malinis na tubig ang inyong mukha.
2. Katas ng kamatis
Ang lycopene at antioxidant na matatagpuan sa kamatis ay may kakayahang mabanat at mapantay ang kulay ng balat. Kailangan lang na gawin ay kumuha ng isang pirasong kamatis at kunin ang katas nito. Ipahid sa ilalim ng mataat hayaan ng sampung minuto hanggang labing lima. Pagkatapos ay hugasan ang inyong mata ng malamig na tubig.
3. Herbal ice
May abilidad ang yelo na higpitan at maging elastic ang balat. Nakakatulong ito upang matanggal nito ang kulubot at mapapababa ang pamamaga ng eyebags. Gamit ang cornflower, bulaklak ng chamomile, parsley at dahon ng sage ay makakagawa ng herbal na yelo. Pakuluan lamang ang mga ito hanggang sa lumabas ng kanilang mga katas. Ilagay sa refrigerator upang tumigas. At tuwing umaga ay ipahid paikot sa inyong mata at sa parteng nangingitim ng tatlumpong segundo.
4. Massage
Ang pagmasahe sa inyong mukha ay nakatutulong upang gumanda ang daloy ng dugo. Kailangan lamang imasahe ang kabuuan ng mukha mula noo, ilong, pisngi at mata. Matapos nito lagyan ng moisturizing cream ang nangingitim na parte sa inyong mata upang matulungang mamoisturize ang balat at mawala ang pangingitim nito.
5. Pag eye compress ng Tsaa
Gumawa ng black o green tea at hayaang lumamig ito. Isunod ang bulak upang pampahid sa nagawang tsaa para sa inyong mata. Kapag naiapply na ito sa inyong balat haayaan ng labing limang minuto para maabsorb nito ang nilalaman na taglay ng tsaa na nakapagaalis ng pangingitim sa mata.
6. Katas mula sa patatas
Isa rin ang patatas sa may mataas na nilalamang vitamin C. May kakayahan itong marejuvinate at mapaputi ang ating maiitim na eyebags. Kunin ang katas ng papatas, gamit ang bulak ilagay ito sa inyong mata hanggang sampung minuto. Sa huli linisin ang inyong mukha ng malinis na tubig.
7. Sweet almond oil
Sa pamamagitan nito mawawala ang pamamaga at nakapag-moitsurize pa ito sa balat. Bago matulog sa gabi magpahid ng ilang patak ng oil sa nangingitim na mata at imasahe ito ng dahan-dahan.
Comments
Post a Comment