Siya ang Bata na Nabigyan ng Sikretong Tulong na Pinansyal ng Dating Presidente ng Amerika na si George Bush!
Noon pa man ay maganda na ang pagkakaibigan na meron ang Pilipinas at bansang Amerika. Matapos nga ang mahabang panahon ng pananakop at digmaan ay nagkaroon ng pagkakataon ang kapayapaan para sa parehong bansa at nakatagpo ng magandang relasyon para na rin sa kapakanan ng mas maraming indibidwal. Dahil dito ay nakakatanggap tayo ng maraming benepisyo mula sa mayamang bansa kagaya na lamang ng pinansiyal at medikal na tulong sa tuwing nagkakaroon ng kalamidad sa ating bansa o di kaya naman ay tulong pang-militar kung kinakailangan.
Malaking tulong din ang Amerika para sa pag-aaral ng ilan sa mga kabataan sa ating bansa at sa katunayan ay mismong ang dating Presidente na si George Bush ay nakapag-isponsor ng isang maswerteng bata.
Nangyari ito sa pamamagitan ng Compassion International, isang organisasyon na mayroong layuning makatulong sa mga bata ng mahihirap na komunidad sa tulong na rin ng simbahan.
Noong taong 2001 ay dumalo ang dating Presidente sa isang Christmas Concert na ginanap dito sa Pilipinas kung saan doon ay ipinakilala kung ano ang Compassion International. Matapos ang pagpapakilala sa nasabing organisasyon ay tinatanong nila ang mga audience kung mayroon ba sa kanila ang nais na mag-isponsor ng mga bata para sa pag-aaral ng mga ito.
"During the intermission, they would tell the audience about us, and ask if they would like to sponsor a child," pagkukwento ni Wess Stafford, dating Presidente ng organisasyon.
Maya-maya ay nagtaas ng kamay si George Bush at kapansin-pansin mula sa entablo kung papaano siya napapaligiran ng kaniyang mga security guards. Nanghingi siya ng pamphlet at nangakong mag-iisponsor ng isang bata sa kondisyong dapat ay hindi nito dapat malaman na siya ay Presidente ng Amerika. Sa halip nga na George Bush ay 'George Walker' ang pagpapakilala niya sa batang si Timothy, ang maswerte niyang napili.
Sa loob ng sampung taon na pagtulong ni George Bush kay Timothy ay nagkakaroon sila ng palitan ng mga sulat at doon ay ibinabahagi ng bata ang ilan sa mga nangyari sa paaralan o di kaya naman ay ang kaniyang interes pagdating sa arts. Lubos namang namangha ang dating Presidente sa talino na ipinakita ni Timothy at kahit na bawal ang pagbibigay ng regalo ay sinuportahan niya pa rin ang nakakahiligan nito.
"His letters were the most spirited letters I have read from any sponsor," dagdag pa ni Stafford.
Nalaman rin ni Timothy na Presidente pala ng Amerika ang nagpaaral sa kaniya noong siya ay nakapagtapos na ng pag-aaral sa edad na 17-taong gulang at hindi nito maipaliwanag ang saya na nararamdaman dahil hindi biro ang tao na sa kaniya ay nakikipagpalitan ng sulat at tumulong para maabot ang kaniyang mga pangarap.
Talaga namang nakakamangha ang tadhana dahil mayroon itong kapamaraanan para mapaglapit ang dalawang tao kahit na magkaiba man ito ng lahi o di kaya naman ay estado sa buhay.
Comments
Post a Comment