Ang pesteng bukbok ay pangunahing problema ng National Food Authority o NFA dahil napakaraming mga nasisirang mga bigas na sana dapat ay makakain ng mga tao. Ngunit sadyang napakabilis at matindi kung manira ang mga ito. Bukod pa, ito rin ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng hindi magandang lasa ang ating sinaing. Karaniwan na nagkakaroon ng ganitong peste sa mga imbakan o bodega ng mga pagkain tulad bigas.
Ngunit paano kung pati sa inyong bahay ay maging probema mo ito? Narito ang mga mabisang paraan upang mapuksa ang bukbok o kuto sa bigas (rice weevil):
1.Tanggalin ang mga kontaminadong pagkain
Ang pangunahin at importanteng paraan upang masolusyunan ang problema sa pesteng bukbok ay alisin ang mga pagkain na kasalukuyan ng kinakain o pinamamahayan na nito. Dahil ang insektong ito ay napakahirap kontrolin lalo na kung sobrang dami na. Kaya naman suriin ang mga pagkain na sa tingin ninyo ay maaaring pamugaran tulad ng bigas, oatmeal o iba pang mga produkto. Mas mainam ng itapon kung makitang apektado na ito kaysa sa mas dumami pa ang mga peste at maraming mga pagkain ang masasayang.
2.Tiyaking malinis ang bahay
Minsan hindi maiwasan na may mga natatapong pagkain sa mga suluk-sulok ng kusina o iba pang parte sa bahay. At ang mga ito ang maaaring pagsimulan na mabahayan ng mga bukbok. Kaya naman ang magandang gawin ay linisin ng mabuti ang inyong bahay. Magsimula sa inyong kusina dahil dito inilalagay ang mga pagkain at nagluluto. Punasan ang mga kabinet na pinaglalagyan ng mga pagkain.
3. Puksain sa pamamagitan ng freezer
Ayon sa mga dalubhasa ng pest kontrol ay nirerekomenda nilang ilagay sa inyong freezer ang mga pagkain tulad ng harina, mga biscuits, bigas, cereals at iba pang pagkain upang mapuksa ang mga pesteng bukbok. At sa pamamagitan nito mapap(a)tay ang itlog at larva ng bukbok na maaaring nasa pagkain na.
4. Gamit ang init
Maliban sa lamig maaari rin gamitin ang init upang mawala ang mga pesteng bukbok. Ilagay lamang ang mga pagkain sa inyong microwave at mapapatay ang lahat ng bukbok. Dahil sa tindi ng init ay mapapahina nito ang posibilidad ng pagdami o pagbuhay nito.
5. Huwag mag imbak ng pagkain ng napakatagal sa kusina
Upang maiwasan ito tiyakin na ang inyong mga binibiling pagkain ay tamang dami lamang na hindi kinakailangang maipon o maimbak ito ng matagal sa inyong kusina na maaaring mapagsimulan ng mga peste. Hindi naman masamang mag-imbak ngunit mas mainam na ang tamang supply lamang para maiwasan na masira lamang ang mga ito at mapakinabangan ng mabuti.
6. Insecticide
Isa ang bukbok sa pinaka-pangkaraniwang insekto at ang insecticide na pamuksa rito ay limidato lamang dahil ang insekto na ito ay namamahay sa ating mga pagkain. Kahit sino naman ayaw na mahaluan ng lason ang mga pagkain na ating kakainin kaya naman mas mainam na gamitin ang mga natural na paraan. Ngunit kung ang iyong hanap ay para sa inyong bodega o lugar na imbakan ng inyong pagkain maaaring gumamit ng insecticide upang maprotektahan ang inyong inaning mga bigas o ano pang produktong pagkain.
Anong insecticide ang pweding gamitin upang mapuksa sila
ReplyDeleteBaygon pre, tas after non isaing mo pra damay damay na. Hahaha
Deletepa ano po ma wala ang mga bok boknh bigas
ReplyDeleteWalang kwentang advise ito.
ReplyDeletePatungan ng bawang, sibuyas at laurel ang bigas sa loob ng sako bago ito isara.
ReplyDelete