Ang anay ay isa sa mga insektong nagbibigay ng problema sa mga tao. Hindi man ito imbitado sa inyong bahay ay mabilis itong nakakapasok ng hindi mo man lang namamalayan na para bang isang magnanakaw.
Ngunit bakit nga ba kaya nilang masira ang isang bahay o kagamitan?
Ang anay ay kayang kumain ng kahoy na siya naman pangunahing pinagkukunan nila ng nutrisyon at ang mga ito ay naninirahan bilang isang kolonya o sama-sama tulad ng mga langgam. Kilala rin ang anay sa tawag na white ant o puting langgam. Ang mga insektong ito ay maaaring manirahan sa mga halaman, ilalim ng lupa o kahoy ng hindi mo napapansin o wala man lang palatandaan.Kinakain rin nila ang mga papel na nakatago o nakaimbak sa inyong kabinet.
May iilang uri ang anay kung saan nakadepende ang mga ito kung saan sila naninirahan. Anu-ano nga ba ang mga ito?
Mga uri ng anay:
1. Subterranean- ang uring anay na ito ay karaniwang gumagawa ng tunnel o hukay sa ilalim ng lupa kung saan ito ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng kasing wangis ng bundok na kalimitahan kilala bilang tirahan ng mga nuno.
2. Drywood- ito naman ay tumitira sa mga kahoy at kumakain ng mga mga bulok na kahoy, poste ng bahay na yari sa kahoy at sahig.
3. Dampwood-ito naman ang uri ng anay na bihira lamang makita sa mga bahay dahil ang grupong ito ay kumakain at naninirahan lamang sa basang kahoy.
Ngayon, alamin naman natin kung ano ang mga kailangang gawin upang maiwasan o mapuksa ang mga pesteng anay upang hindi na makasira sa ating bahay.
Narito ang ilang tips upang mapuksa ang mga pesteng anay sa inyong bahay:
Karaniwang pinupuntirya ng anay ang mga kahoy dahil ito ang kanilang pangunahing pinagkukunan ng nutrisyon. Kaya naman kung sa inyong bahay ay maraming mga naka-imbak na mga kahoy na ginagamit bilang panggatong mas nakabubuti na alisin o ilayo sa inyong bahay upang hindi ito pagbahayan ng mga anay.
2. Sunugin o itapon na ang mga papel na hindi kailangan
Bukod sa kahoy kinakain at sinisira ng mga anay ang papel. Kung gawain mo na iniimbak ang mga papel sa inyong bahay ay kailangan mong ugaliing linisin ang lugar ng pinaglalagayan o di kaya nama itapon na lamang ang mga ito at sunugin kung hindi na rin lamang kailangan para na rin maiwasan ang anak.
3. Takpan ang mga butas sa loob ng bahay
Ang insektong ito ay naghahanap ng mga butas na madadaanan upang makapasok sa ating kabahayan. Upang maiwasan ito lagyan ng harang o screen ang mga bintana, pinto o ano mang butas na maaari nilang mapasukan.
4. Madalas na paglilinis at pagsuri sa inyong bahay
Ugalihing linisan ang inyong bahay upang mapansin kaagad ang mga kailangang ayusin. Lalo na sa mga parteng may kahoy na maaaring pamahayan at masira ng mga anay. At kung madalas itong gawin madali lamang mapupuksa ang mga anay at maagapan ang kanilang nasira.
Ang paglagay ng buhangin sa palibot ng bahay ay maaaring makatulong sa inyo dahil ang mga anay ay nahihirapang kumilos sa buhangin. Gayon maiiwasan ang pag-atake ng mga ito o di kaya naman mapabagal ang kanilang mga aktibidad.
6. Pesticide
May mga aprobadong mga kemikal na pamuksa sa anay. Maaaring makabili ng mga ito sa hardware, online shop at espesyalista sa peste. Pinaka-kilalang pesticide formulation na pamuksa sa anay ay ang bait o pain.
Inilalagay ito sa labas ng kolonya ng anay o bahay nito dahil kapag kumain ang anay ay mapupuksa ang mga ito. Bukod dito may mga iba pang kemikal na inilalagay upang matanggal ang anay tulad ng kemikal na inilalagay sa lupa, solignun na ipinapahid sa kahoy at mga gawang kagamitan na nilagyan na ng proteksyon laban sa anay.
Comments
Post a Comment