Isa ang kutis sa pangunahing pinangangalagaan ng mga tao pagdating sa pisikal na kaanyuan. Ito rin ay nakapagbibigay ng mataas na kumpyansa sa sarili kapag ang iyong balat ay maganda at makinis. Kaya naman sa tuwing nagkakaroon ng mga sugat ay pinangangambahan na magkaroon ito ng lamat o peklat. Lalo na kung magkaroon ka ng bulutong na maaaring mag-iwan ng napakaraming mga butlig na peklat sa buong katawan. Upang maiwasan at malunasan ang peklat na sanhi ng iyong pagbubulutong, narito ang ilang paraan para makatulong sa inyo.
Ngunit bago tayo magsimula sa remedyo ng peklat sa bulutong. Alamin muna natin kung ano ba ito at sintomas nito.
Ano nga ba ang bulutong?
Ang Bulutong o Chicken pox ay dahil sa isang virus na tinatawag na varicella zoster virus. Ang karamdaman na ito ay nagdudulot ng pangangati, pamumula ng balat at bilog bilog na may tubig na mala-pimple na butlig sa buong katawan. Madalas na tinatamaan nito ay ang mga bata.
Ngunit kapag nagkaroon na nito noong bata pa lamang ay mababa na ang tiyansa na maulit pa ito.
Gayon ang pagpapabakuna ay makakatulong upang makaiwas o mapababa ang tiyansa sa pagkakaroon ng bulutong. Maaaring mahawa ng pasyente ang isang tao sa pamamagitan ng laway, bahing, pag-ubo, pagdikit ng balat sa likido ng bulutong dahil ang bulutong ay isang airborne disease.
Mga sintomas nito na mararanasan:
-Pangangati at pamumula ng balat
-pagkakaroon ng bilog bilo na parang maliliit na pimple
-Lagnat
-Sakit ng ulo
-Kawalan ng gana sa pagkain
-Pagiging matamlay
Problema mo ba ang iniwang peklat sa pagkakaroon mo ng bulutong? Basahin ang sumusunod na lunas.
1. Vitamin E
Ang bitamina na ito ay kilala bilang pagpapanatili sa kagandahan at kalusugan ng ating kutis matapos ang pagkakaroon ng bulutong. Sa paggamit ng mga produkto, pagkain at pag-inom na may nilalaman na sangkap nito ay lubos na makatutulong sa iyo upang gumanda at bumalik ang dating ganda ng balat at matanggal ang mga peklat ng bulutong. Mapapaputi nito ang balat hanggang sa unti-unting mababawasan ang mga peklat at pumantay ito sa nararapat na kulay ng ating balat.
2. Aloe Vera
Ito ay kilalang sangkap sa mga produktong pampaganda para sa ating buhok. Ngunit hindi lamang para dito ang kaniyang kapaki-pakinabang na benepisyo dahil masuhay rin ito bilang gamot sa paso at sa peklat dulot ng bulutong. Kaya naman gumamit ng mga produktong may nilalaman na sangkap ng aloe vera o di kaya naman ipahid ang gel ng dahon na ito sa inyong balat.
3. Cocoa Butter
Isa ang Cocoa Butter na kilalang anti-oxidant upang gumanda ang ating kutis. Ito rin ay nakakatulong upang ma-moisturize ang dry na balat. Kaya naman ang taglay na nilalaman ng cocoa butter na anti-oxidant at moisturizer ay nakabubuti para sa ating balat. Gayon ang mga ito ay mahusay na gamot para pinoproblemang peklat na sanhi ng bulutong.
4. Retinol Cream
Ang produktong ito ay mayaman sa vitamine E at nagpapadami ng collagen kung saan ang mga ito ay kailangan para sa ating balat. Samantalang ang pinagsamang retinol at glycolic ay napakagandang gamot para matanggal ang peklat sa balat.
5. Exfoliant cream
Ang pagbakbak ng ating balat o pagtanggal ng lumang balat (old skin) ay tinatawag na exfoliation. At sa paraang ito ay matutulungang mawala ang peklat na ating problema.
6. Scar Removal Cream
Ito ang produktong kahit saan pa nagmula ang iyong peklat kaya nitong malunasan. Mayroong mga scar removal cream na mabibili sa mga botika na makakatulong para mag-lighten ang peklat ng bulutong. Tuloy-tuloy lamang na gamitin hanggang sa mawala ang peklat.
Kung ayaw mong magkaroon ng peklat at maibsan ang nararamdaman dapat sundin mo ang mga ito habang ikaw ay dumaranas ng bulutong.
-Iwasan o mas mainam na huwag kamutin ang iyong apektadong balat kahit na sobra ang pangangati nito.
-Kung sakali naman na hindi maiwasan na kamutin dahil sa masakit at makati ito kailangan na magsuot ng gloves o guwantes upang hindi pagmulan ng impeksyon at pagkasira ng balat.
-Lagyan ng anti-itch cream ang balat na may bulutong
-Gumamit lamang ng mild na sabon at lotion na may sangkap na aloe vera.
-Magsuot ng mga komportableng damit.
-Maligo ng maligamgam na tubig.
Comments
Post a Comment