Skip to main content

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito


Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing. 

Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo.

1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser

Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo. 

2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema

Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis na tela sa pinaghugasang bigas at idampi ito sa apektadong balat. Gawin ito ng ilang minuto at hayaang matuyo sa hangin.

3. Para sa sunburn at damaged skin

Ang rice water ay nakakatulong upang mabawasan ang implamasyon at pamumula na dulot ng sunburn. Upang mas maging masarap itong ilagay sa balat, palamigin muna ito sa reg bago iapply sa balat gamit ang cotton pad.

4. Pampakintab at pampalambot ng buhok

Ang paghugas ng buhok gamit ang pinaghugasang bigas ay nakakapagpadagdag ng kintab at lambot sa buhok. Dahil mayaman ito sa amino acids, nakakatulong ito upang maimprove ang volume at tibay ng buhok. Binabalanse rin nito ang pH level sa ating anit at wala pang halong kemikal. 

Matapos magshampoo, ipanghugas ang rice water sa iyong buhok at dahan-dahang imasahe sa iyong anit. Hayaan muna ito ng ilang minuto bago banlawan ng malinis na tubig.

5. Deodorizer

Hindi lamang sa ito katawan maaaring gamitin ang pinaghugasang bigas. Sa katunayan, maaari itong gamiting pantanggal ng amoy sa ating mga kasangkapan sa kusina tulad ng chopping board. Ibabad lamang magdamag ang kasangkapan sa pinaghugasang ng bigas na mayroong konting asin upang mawala ang di kaaya-ayang amoy nito.
Kung mayroon pa kayong alam na maaaring paggamitan ng pinaghugasang bigas ay maaari ninyo itong ibahagi.

Comments

  1. Pinandidilig ko sa orchards para mamulaklak

    ReplyDelete
  2. Sarap pantubig sa sinigang n fish or shrimps

    ReplyDelete
  3. Ginagamit ko pantubig sa tinolang manok

    ReplyDelete
  4. Pinapaligo sa grabee mg pawis o mabaho ang pawis.lalo ung puno ng lamig ang katawan

    ReplyDelete
  5. Ginagamit ko pantubig sa ulam.gaya Ng tinola.sigang.abraw etc.

    ReplyDelete
  6. Pinandidilig ko sa halaman ko

    ReplyDelete
  7. pangsabaw sa nilaga tinola cnigang

    ReplyDelete
  8. pandilig sa halaman at pang sabaw sa sinaing

    ReplyDelete
  9. Ginagamit kong panghugas ng isda bago lutuin...nakakaalis ng lansa ng isda

    ReplyDelete
  10. Ginagalit ko sya SA mukha ko ginawa Kung umaga at Gabi ginamit ko panlinis SA mukha ko

    ReplyDelete
  11. Sorry po. Not advisable. Kc db san san galing ang bigas , san nilalapag. Ang pagpackage. Minsan may halo pa un bigas na d natin alam. Pede sa pandilig ng halaman . pang hugas ng isda or kung ano man pang hugas sa mga gamit. Pero pang halo at pangsabaw di nmn siguro pede.

    ReplyDelete
    Replies
    1. May point ka po, cguro pwde ung d pa processed rice..

      Delete
  12. Sa PA galaw ang hugas Yun ang pansabaw sa sigang.

    ReplyDelete
  13. Gawing pansabaw s nilga sigang o khit s tinola

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan. 
At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila!
1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5
Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe'
Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar, that's pretty cool. I like tha…

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao. 
Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan:
1. Tuna
Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki. 


2. Tilapia
Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito. 3. Palos o Igat 

Maaari itong magsanhi ng stroke o sak!t sa puso dahil mayroon itong LDL o masamang kolesterol na maaaring maka…