Ang pagmamahal ay siyang centro ng bawat mag-asawa o mag partner upang magkaintindihan. Napakasarap maramdaman na nagmamahal dahil ito ang nakapagpapasiya sa lahat ng tao. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay laging masaya dahil minsan dumaranas tayo ng mga pagsubok na siyang mas nagpapatibay sa ating relasyon. Kaya naman dito pumapasok ang pagiging mabait sa inyong partner upang tumibay, magkaintindihan at mas magpapalalim ng inyong pagmamahalan.
Ngayon, alamin natin kung bakit napaka-importante ng kabaitan sa isang relasyon.
Ito ang ilang mga rason kung bakit hindi mo dapat kalimutan na tratuhin ng mabuti ang iyong partner o maging mabait kahit na galit ka sa kanya:
1. Mas pinatitibay ang inyong pagsasama
Maraming mga study na nagpapakitang ang pagiging mabait na partner ay nakatutulong sa kanila na mapanatiling matibay ang kanilang pagsasama. Mababasa rin sa isinulat ng "The Atlantic" na ayon sa mga pananaliksik, ang kabutihan o kabaitan ay isang pinaka-importanteng mapagkukunan ng kasiyahan at katatagan ng kanilang marriage.
2. Nakakabuo ng tiwala
Ang pagiging mabait sa iyong partner ay siyang pangunahing hinahanap ng single sa isang tao para sa pagkonsidera sa isang matatag at pangmatagalang relasyon. Napatunayan rin ito ng mga mananaliksik dahil sa kanilang pag-survey sa mga tao kahit na kasama sa kanilang pagpipilian ang pera, s*x at koneksyon.
Bakit nga ba napakalaking bagay nito para sa mga tao? Dahil ang pagiging mabait ay nakakatulong sa mga tao na maramdaman ang security sa kanilang partner. Bukod pa nakapagbibigay rin ito ng tiwala sa kaniyang minamahal. Ngunit hindi naman ibig sabihin na hindi na marunong magalit ang mga mabait na tao. Nasa tamang lugar lamang at mahusay na pagpapakita ng kanilang galit.
Kung ang iyong partner ay mabait mas tumitibay ang pakiramdam ng partner na magtiwala. Gayon ito ang pundasyon sa paghaba at pagtibay ng pagsasama.
3. Nakatutulong na magtagpo ang inyong pangangailangan sa isa't isa
Nauugnay ang pagiging mabait sa pagkakaroon ng pagkakaintindihan sa magkarelsyon. At ayon sa mga dalubhasa sa pag-iisip, ito ay tungol sa partisipasyon ng makabuluhang pag-iisip at konsiderasyon na pag-uugali sa relasyon ng mga tao.
Kung ikaw ay mabait na tao, nagbibigay ka ng oras o kamalayan sa kailangan ng iyong partner. Kung saan ito ang magpapalalim pa ng kahulugan ng inyong relasyon.
Madali rin na magkakaintindihan ang dalawang tao kung mabait ka sa iyong partner dahil masasabi mo ang iyong nararamdaman kapag nagagalit ka. At ito ang simula ng pagkakantindihan ninyo upang mapagusapan ang pangangailangan ng bawat isa sa inyo na siyang magpapatibay ng relasyon.
Comments
Post a Comment