Ang Apple Cider Vinegar o ACV ay kilala na sa buong mundo dahil sa iba’t-ibang mga benepisyong pwedeng makuha rito. Ang iba ay ginagamit ito upang mapaganda ang kondisyon ng kanilang balat at mukha, makatulong sa pagpapabawas ng timbang o kaya ay panlunas sa ubo at sipon.
Marami pang iba na pwedeng paggamitan nito kaya talaga namang parami nang parami ang mga na-e-engganyong subukan ito. Ngunit isa sa pinakamagandang benepisyong pangkalusugan na pwedeng makuha rito ay ang abilidad nitong makatulong sa mga taong may diabetes, lalo na ang mga mayroong type 2 diabetes.
BAKIT IMPORTANTE ANG APPLE CIDER SA MGA TAONG MAY DIABETES?
Ang diabetes ay isang s(a)kit pang-habang buhay kung saan ang katawan ay wala ng kakayahan na kontrolin ang pagtaas o pagbaba ng lebel ng sugar sa dugo. Ayon sa World Health Organization ay 108 milyon ang bilang ng mga taong may diabetes noong taong 1980.
Sa paglipas ng mga taon ay mas tumaas ang bilang ng mga taong mayroong s(a)kit na ito at sa katunayan ay 422 milyon na ang naitala noong taong 2014. Ang numerong ito ay patuloy pang tumataas kaya ipinapayo ng mga ekperto na mas maging maingat tayo sa ating kalusugan lalo pa at wala pa ring lunas ang karamdamang ito hanggang ngayon.
ANO ANG DULOT SA KATAWAN NG PAG-INOM NG APPLE CIDER BAGO MATULOG?
Isang pag-aaral ang nai-publish sa Journal of Evidence-Based Integrative Medicine noong taong 2018 ang nasasabi na ang pag-inom ng apple cider bago matulog ay nakatulong sa mga taong may diabetes upang makontrol ang lebel ng blood sugar nila sa katawan.
Ito ay isa lamang sa madaming pagsusuri na nagpapa-totoo na ang Apple Cider Vinegar ay talaga epektibo. Ayon sa mga ekperto ay ang acetic acid ng sukang ito ang salarin sa mga magagandang benepisyong maaaring makuha rito. Ang acid na iyon ay nabubuo kapag ang sugar mula sa mga mansanas ay sumailalim sa fermentation.
Dalawang paraan ng paggamit ng Apple Cider Vinegar:
1. Apple Cider Vinegar at Tubig
• Maghalo ng tig-2 kutsara ng ACV at tubig.
• Ikunsumo ang mixture na ito, kasabay ng cheese, bago matulog sa gabi.
• Ang acetic acid ng sukang ito ay makakatulong sa digestion ng starch sa katawan at ang keso naman ay may mga amino acid na magbibigay ng glucogenic substrates. Ang mga ito ay makakatulong sa mga taong may type 2 diabetes.
2. Baking Soda at Apple Cider Vinegar
• Paghaluin ang 2 kutsara ng ACV at ¼ kutsarita ng baking soda at inumin ito bago matulog sa gabi.
• Maaaring kumain ng orange para maalis ang maasim na lasa na maiiwan ng ACV sa bibig.
Comments
Post a Comment