Skip to main content

Limang Dahilan at Sanhi Kung Bakit Sumasakit ang Lalamunan Bukod sa Pag-Inom ng Malamig




Minsan hindi maiwasan na sumakit ang ating lalamunan dahil sa sobrang pag-inom ng mainit at malamig na inumin. Maaaring dahil rin sa ating kinain na nagpairita nito o di kaya naman sa sobrang matatamis na pagkain. Ngunit ang pagkaramdam ng hapdi o burn sensation sa lalamunan ay huwag katakutan dahil madali lamang na malunasan ang sintomas na ito sa natural na paraan. Isang pinakamabisang paraan para dito ay ang pag-inom ng maraming tubig at pahinga. 


Subalit alam niyo ba na mayroong ilang dahilan kung bakit nagkakaroon ng pananakit ng lalamunan ang isang tao bukod sa paginom ng malamig? Narito ang ilang rason na posibleng sanhi ng pananakit ng lalamunan.

1. Common cold 

Ang pagkakaroon ng sipon ay pangkaraniwang karamdaman lamang. Kahit ano man iwas natin kung minsan ay hindi pa rin maiwasan na tamaan nito. Ngunit hindi naman nakababahala ang karamdaman na ito dahil sa loob ng isang taon dalawa o hanggang tatlong beses magkaroon nito ang mga matatanda. At ang iba pang sintomas ng common cold ay ang biglaang pagtulo ng sipon o di kaya baradong ilong, pagbahing, pananakit ng ulo, katawan at mababang lagnat. Kung minsan kasabay pa nito ang lagnat at ubo. 



2. Postnasal Drip 


Ang kondisyon na ito ay ang hindi normal na paglabas ng sipon sa ating ilong kung saan ang normal na linya ng mucus ay pabaliktad na dadaloy sa likod ng ating lalamunan. Gayon nagiging sanhi ito ng pag-ubo, iritasyon at burning sensation sa lalamunan. Ilang pangunahing sanhi ng postnasal drip ay viral na impeksyon, allergy at impeksyon sa sinus. 

3. Viral Infection 

Pinaka-karaniwang sanhi ng burn sensation na nararamdaman sa inyong lalamunan ay ang viral impeksyon kung saan nagdudulot ng pananakit sa katawan, pamamaga ng kulani sa leeg, puting marka sa tonsils, ubo, sipon, pamamaos at pagatatae. Ang mga ito ay madaling magamot sa pamamagitan ng pagpapahinga at pag-inom ng mga natural na remedyo. 




4. Acid Reflux 

Pangunahing sintomas ng acid reflux ang heartburn na nauugnay sa pagtaas ng acid na mula sa tiyan patungo sa ating lalamunan. Ang acid na ito ay nagdudulot din ng mahapding  sensation sa lalamunan at dibdib. Naghahatid rin ito ng maasim o mapait na lasa sa ating lalamunan at bibig. Idagdag pa ang pagkakairita ng lalaman, pag-ubo, pagkapaos at sobrang plema sa lalamunan. 

5. Implamasyon sa lalamunan 

Esophagitis ang tawag sa kondisyong ito na may kaugnayan sa implamasyon ng daluyan sa ating lalamunan. At ang tubo na ito ay siyang nagdadala ng ating kinakain patungo sa tiyan. Maaaring magdulot ng kahirapan sa paglunok, ulcer at sugat sa lalamunan kung mapapabayaan. 


6. Burning mouth syndrome 

Sa karamdaman na ito ay makakaramdam ng mainit na likido sa loob ng bibig, pananakit at kiliti na maaaring maranasan araw-araw o di kaya naman maaaring umabot ng buwan. Nagiging sanhi ito dahil sa pagkakaroon ng problema sa mga ugat at panunuyo ng bibig. Ang hapding dulot nito ay mararamdaman sa inyong labi, dila, pisngi at gilagid. Idagdag pa ang madalas na pagkauhaw, kawalan ng lasa at mapait o di kaya metal na lasa sa loob ng bibig. 

Ano ang remedyo para maibsan ang pananakit ng lalamunan?

-Uminom ng maligamgam na inumin tulad ng kape, soup at tsaa na may honey. 

-Magmumog ng maligamgam na tubig na may asin. Gawin ito ng dalawang beses sa isang araw. 


-Huwag kakaligtaan na uminom ng sapat na dami ng tubig. 

-Kung madalas naka aircon ay bumili ng air humidifier upang maging moist ang hangin sa loob ng inyong kwarto para hindi mag-dry ang inyong lalamunan na siyang maaaring pagsimulan ng pananakit nito.

-Maglagay ng panyo sa inyong leeg upang maginhawan ang pakiramdam.

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

10 Malungkot Na Senyales Na Nagpapakita Na Hindi Ka Na Niya Mahal

Ang relasyon masaya yan lalo na kung mahal ninyo ang isa't isa. Ngunit dapat ka din maging handa sa mga pagbabagong maaaring mangyari sa inyong relasyon. Alamin ang mga senyales na nagbabago na ang pagtingin ng iyong kapareha sa iyo. Kung mas maaga mong nalaman at natanggap na hindi ka na niya mahal, mas maaga kang makakawala at makaka-move on sa pag-ibig na iyon. Ang unang hakbang ay dapat makita at matanggap mo ang mga senyales na hindi ka na niya mahal. 1. Hindi na siya gaanong nagsasalita at nag-oopen up sayo Sa isang relasyon kailangan ang komunikasyon upang mas tumatag ang relasyon magkalapit man kayo o magkalayo. Kung sa pakiramdam mo ay lumalayo na ng loob niya sayo at hindi na nagsasabi ng problema o di kaya ay nagkukwento maaaring may problemang namamagitan sa inyong dalawa. 2. Nawalan na siya ng interes Naaalala mo pa ba yung mga panahon na kahit sa maliliit na bagay lang ay pinupuri ka niya. Aayain kang manood ng sine o kaya kumain sa labas. Ku

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing.  Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo. 1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo.  2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis n