Skip to main content

Mga Importanteng Bagay na Dapat Alamin Tungkol sa Corona Virus




Ang mga virus at bakterya ay karaniwan ng sumasalakay sa katawan ng tao. Kaya naman hindi maiwasan na magkasakit. Ngunit sa panahon ngayon maraming mga bansa ang nakakaranas ng corona virus. Mabilis itong lumaganap sa iba't ibang mga bansa. Ngunit ano nga ba ang virus na ito at epekto sa ating kalusugan. 

Corona Virus ito ang pinag-uusapang karamdaman ngayon na kung saan katulad ng mga karaniwang virus na nagdudulot ng impeksyon sa ating ilong, sinuses o lalamunan. Karamihan sa mga coronaviruses ay hindi delikado sa ating kalusugan. Ngunit may mga uri nito na naging seryoso at malala ang naging kalagayan ng mga pasyente na humantong sa kamatayan. 


Ang MERS at SARS ay maiiugnay sa novel corona virus na madalas nagdudulot ng impeksyon sa itaas na bahagi ng ating panghinga. Gayon nadiskubre ito noong 1960's ngunit walang nakakaalam kung saan ito nagmula. Samantalang ang pangalan nito ay mula sa kaniyang crown o hugis. Kung ang mga tao ay nakakaranas nito maaaring pati ang mga hayop ay makaranas ng nasabing virus. Upang mapalawak pa ang inyong kaalaman alamin ang mga sintomas nito. 

Sintomas na dulot ng novel corona virus: 

-Sipon 

-Ubo 

-Lagnat

-Pananakit ng lalamunan

-Kahirapan sa paghinga

-Pneumonia 



Ang mga ito ay hindi tiyak na may corona virus na ang isang tao mas mainam na magpakonsulta sa dalubhasa kung sa tingin mo ay hindi na mabuti ang iyong kalagayan. Dahil kapag ang virus na ito ay kumalat sa iyong panghinga ay maaaring magdulot ng malalang sakit sa baga o pneumonia. Pinapayuhan na mag-ingat ang mga taong may mga karamdam tulad ng mga dati ng may problema sa baga, diabetes, problema sa puso at iba pang mga karamdaman na nagpapahina ng inyong immune system. 


Sa ngayon wala pang lunas ang virus na ito ngunit maaaring gawin ang mga paraan na ito upang maiwasan ang corona virus. 

1. Maghugas ng kamay

Lagi nating tatandaan na isa ang kamay sa pinakamaruming bahagi sa ating katawan. Kaya naman ugalihing maghugas ng mga kamay lalo na kung kakain. 




2. Huwag humawak sa bibig at ibang parte ng katawan

Dahil sa madumi ang ating mga kamay kailangan na iwasang hawak-hawakan ang iyong tenga, mata, ilong at bibig upang hindi mapunta ang bakterya o virus na nakakapit rito. 

3. Iwasan ang mataong lugar

Madalas sa mga mataong lugar ay hindi mo na alam kung sino ba ang taong infected ng virus. Kaya naman upang makaiwas sa panganib o ano mang sakit ay huwag na munang pumunta sa mga matataong lugar. 


4. Tubig 

Ang pag-inom ng sapat na dami ng tubig ay matataboy ang ano mang mga virus na maaaring kumapit sa iyo. Gayon ito rin ang pangunahing kailangan ng ating katawan upang mapanatiling maayos ang paggana nito. 


5. Pahinga

Ang labis na kapaguran ay madalas mapagdulot ng karamdaman. Upang maiwasan ang ano mang kompliksyon sa inyong kalusugan ay mainam na bigyan ng oras na pagpapahinga ang iyong katawan sa gayon lumakas pa ang iyong resistensya at magawa ang lahat ng mga nais na gawin.

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-