Skip to main content

Binigay Na Itlog Na Relief Goods, Napisa At Naging Mga Sisiw


Marami na sa ating mga kababayan ang nakatanggap ng mga relief goods mula sa local na pamahalaan. Mayroong nagbigay ng mga bigas, sardinas, at instant noodles. Ngunit mayroon din namang mga baranggay na nabigyan ng mga sariwang gulay, prutas, at itlog.

Isa na nga sa mga nakatanggap na relief goods na itlog ay ang guro na si Irene Villanueva-Baniqued ng Andres Bonifacio Elementary School sa San Jose Del Monte sa Bulacan. 

Noong matanggap niya ito ay sinabihan naman siya na itlog ng mga itik ang nasa relief pack. Dahil mahilig naman daw siya kumain ng balut ay itinabi niya muna ang iba sa food warmer samantala ang iba ay kanyang niluto.

Makalipas ng ilang mga araw ay nagulat na lamang siya ng makarinig siya ng mga huni ng sisiw na nagmumula sa food warmer kung saan niya itinabi ang mga itlog. 

Noong inalis niya ang takip nito ay nakita niya na napisa ang mga itlog at lumabas ang pitong sisiw. Nadiskubre rin niya na hindi pala itlog ng itik ang kanyang natanggap kundi itlog ng manok.

Kwento ng guro na dahil sa nararanasan nating krisis ngayon sa bansa ay nakaranas rin siya ng emotional stress. Ngunit malaki ang kanyang pasasalamat dahil ngayon ay nabaling na ang atensyon niya sa kanyang mga bagong alagang sisiw at mayroon na siyang ibang pagkakaabalahan.

Aniya sa isang panayam sa DZMM,

"Nag-pray ako sa Lord na, Lord teach us the good attitude the right attitude towards this pandemic. Kasi kung magiging pangit attitude ko, parang mas bibigat yung sitwasyon. Nakikita naman po ng Lord na yung mga pinagdadaanan natin at siya po ang nakakaalam at may plano kung kailan matatapos ito."

Bukod sa mababaling na ang atensyon sa mga alagang sisiw, ay maaari pa niya itong mapalaki at pwede ring mang-itlog ang mga ito sa tamang panahon. O di kaya ay maaari ring kat@yin at ulamin kapag malaki na sila. 

Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan. 
At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila!
1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5
Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe'
Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar, that's pretty cool. I like tha…

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing. 
Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo.
1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser
Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo. 
2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema
Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis na tela sa pinaghugasang bigas at id…

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao. 
Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan:
1. Tuna
Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki. 


2. Tilapia
Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito. 3. Palos o Igat 

Maaari itong magsanhi ng stroke o sak!t sa puso dahil mayroon itong LDL o masamang kolesterol na maaaring maka…