Photo from: Philippine Star/ Facebook Ang 'treehouse' ay isa sa mga karaniwang uri ng bahay na matatagpuan dito sa Pilipinas. Noong unang panahon, itinayo ang mga bahay na ito upang makaiwas sa mga mababangis na hayop. Ngunit sa panahon ngayon, ginagamit na lamang ang mga 'treehouse' bilang mga tambayan o pahingahan dahil mas presko nga naman ang manatili rito. Pero mayroon din na kaya sila nagtatayo ng bahay sa itaas ng puno ay para mas makamura sa mga materyales sa pagpapagawa ng tunay na bahay. Samantala, labis na pinangambahan ng mga netizens ang isang pamilya ito na nakatira sa isang treehouse sa Greenland Farm sa Barangay Bagong Silangan sa Quezon City ayon sa ulat ng Philippine Star. Makikita na nakadungaw pa ang ilang mga bata mula sa itaas. Ang nasabing treehouse ay gawa lamang sa mga pinagtagpi-tagping mga kahoy at mayroon itong bubong na yari sa tarpaulin. Hindi naman nabanggit ang dahilan kung bakit dito napiling manirahan ang pamilya ito. Photo from:
Giving you the juiciest updates available anytime, anywhere.