Skip to main content

Mga Netizens, Nangamba Para Sa Isang Pamilyang Ito Na Nakatira Sa Isang Tree House

 

Photo from: Philippine Star/ Facebook

Ang 'treehouse' ay isa sa mga karaniwang uri ng bahay na matatagpuan dito sa Pilipinas. Noong unang panahon, itinayo ang mga bahay na ito upang makaiwas sa mga mababangis na hayop. Ngunit sa panahon ngayon, ginagamit na lamang ang mga 'treehouse' bilang mga tambayan o pahingahan dahil mas presko nga naman ang manatili rito. Pero mayroon din na kaya sila nagtatayo ng bahay sa itaas ng puno ay para mas makamura sa mga materyales sa pagpapagawa ng tunay na bahay.

Samantala, labis na pinangambahan ng mga netizens ang isang pamilya ito na nakatira sa isang treehouse sa Greenland Farm sa Barangay Bagong Silangan sa Quezon City ayon sa ulat ng Philippine Star. 

Makikita na nakadungaw pa ang ilang mga bata mula sa itaas. Ang nasabing treehouse ay gawa lamang sa mga pinagtagpi-tagping mga kahoy at mayroon itong bubong na yari sa tarpaulin. Hindi naman nabanggit ang dahilan kung bakit dito napiling manirahan ang pamilya ito.




Photo from: Philippine Star/ Facebook


Sa mga nagdaang mga bagyo kasi, nakakatakot na ang tumira sa ganitong uri ng bahay lalo na't mukhang mahina ang pundasyon nito. Ang mga netizens na nagkomento ay may halong pag-aalala para sa pamilyang nakatira rito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento,

"Maganda ang tree house pero may kaakibat na panganib"- Clark Davis Negro Buenavista

"Nakupo, kawawa pag natumba ang puno. Parang maliit lang ang katawan ng puno eh!"- Caroline Hernandez

"Parang di matibay yong puno na pinaglagyan. Wipeout yan pag bumagyo."- Michael Cuevas

"This is risky during lightnings, trees can easily explode."- LJ SA

"Pati puno sinakop na. Baka gayahin ng ibang informal settlers."- Alexia Cheng

"Wala ng lupa matirikan sa puno walang may ari onle en da pelepens."- Carol Cruz Pacis

Komento ng isang netizen na safe raw ito sa baha ngunit paano naman kaya kapag malalakas ang hangin. Kung kayo, titira ba kayo sa isang treehouse?

Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan.  At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila! 1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5 Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe' Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar,

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing.  Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo. 1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo.  2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis n

Paraan Upang Malaman Kung Fresh o Luma Ang Nabiling Itlog At Kung Safe Pang Lutuin!

Kapag tayo ay bumibili ng itlog sa mga grocery stores o palengke, minsan ay hindi naman natin naluluto ito agad agad. Kaya ang gagawin ay ilalagay muna ito sa ref upang mas mapatagal ang 'freshness' nito.  Ngunit kung nakaligtaan kung ilang araw o linggo na itong nabili, alam mo ba kung paano ka makakasiguro na pwede mo pa itong iluto at kainin? Narito ang mga paraan kung paaano mache-check kung luma na o fresh pa ang itlog. 1. Sniff Test Sa pamamagitan ng sniff test o ang pag-amoy, malalaman kung ang itlog ay luma na. Ang nalumang itlog ay mayroong masangsang na amoy kahit hindi mo pa ito binubuksan. Kung wala naman itong amoy, ay maaari pa itong lutuin at kainin. Kung hindi ka pa rin sigurado, basagin ang itlog at amuyin ito kung mayroong masamang amoy. Dahil kung mayroon ay itapon na ito agad agad. 2. Itapat sa tenga at alugin Itapat ang itlog sa iyong tenga at alugin. Pakinggan kung mayroon itong tunog. Habang naluluma ang isang itl